Netizen bad trip, mga biniling regalo inokray ng sariling pamilya

Netizen bad trip, regalo inokray ng pamilya: Sana binigay ko na lang sa iba

Ervin Santiago - December 31, 2024 - 09:36 AM

Netizen bad trip, regalo inokray ng pamilya: Sana binigay ko na lang sa iba

FILE PHOTO

MASAMANG-MASAMA ang loob ng isang nagrereklamong netizen sa kanyang pamilya matapos niyang bigyan ang mga ito ng regalo.

Ang sabi ng naturang social media user, sana raw ay ginamit na lang niya para sa sarili ang perang ipinambili niya ng mga gifts o kaya’y ipinamigay na lamang sa ibang tao na siguradong makaka-appreciate sa kanyang pinaghirapan.

Base sa nabasa namin sa online community na Reddit, maraming naka-relate sa sumbong ng netizen hinggil sa pagreregalo sa kanyang mga kapamilya pero sa halip na magpasalamat ay inokray pa siya.

“Iritang-irita talaga ako these past few days. Bibigyan ko ng JisuLife yung kapatid ko since pawisin siya at para may magamit siya habang nakabakasyon siya rito,” simulang pagbabahagi ng netizen.

Baka Bet Mo: Vilma sa mga nagsusulong na bigyan din siya ng National Artist award tulad ni Nora: ‘If it’s for you, it’s meant for you’

“Ang comment ay lugi raw siya sa regalo ko kasi binilhan niya ako ng mga sapatos. Unang-una, hindi ko naman hiningi yung isa pair.

“Pangalawa, yung other pair ay pasabuy at babayaran ko rin naman,” dugtong ng  uploader.

Patuloy pa niyang pagmamarakulyo, “Ngayon naman ay yung tatay ko nag-iinarte dahil sa damit. Ayaw niya raw ng shorts na binili ko. Sinabi pa na ipapalit na lang kung saan nabili kahit malayo.

“Sana ginamit ko na lang sa sarili ko yung pera o kaya sa ibang tao na makaka-appreciate,” aniya pa.

Sa nabasa naming mga comments, maraming naka-relate sa netizen kasabay ng pagbibigay ng advice sa kanya.

“Hay bakit kaya ganun mga parents natin no hahaha parang ang hirap hirap sa kanilang maging grateful”

“Isa to sa mga toxic Filipino traditions. Most Filipino parents, sometimes, even other relatives, expect their children/the younger ones to give back once sila na yung kumikita. For them, the act of raising their children, providing for their needs and such, ay utang na loob na dapat bayaran sa kanila. They fail to realize that raising their family is their responsibility. Tapos may mga ganito pang eksena pag holidays. Masyado nang commercialized ang pasko ngayon.”

“Hay kaya ako nawawalan din ng gana magregalo sa mga magulang ko. Sasabihin laging “yun lang? wag nalang kung ganon” edi sge wag nalang talaga! ”

“Oo wag na nga, or if magbibigay ka perahin mo na lang, pero yung pera na sakto lang din sa inallot mong budget for them, set boundaries even sa family mo lalo kung di naman nila na appreciate mga ginagawa or binibigay mo.”

“Uy, my people! Grabe nakakasawa nalang. Ikaw na nag magandang loob pero ang dami pa nilang sinasabi.”

“I used to give cash to my family members and relatives every Christmas. Nasanay sila to the point na they felt na obligasyon ko na bigyan sila every year. What stopped me from this delusion of “Christmas giving” was when I heard from my mom that my father asked ‘bat eto lang?’ to the hard-earned money I gave him as gift on top pa sa premium alak na gift. So yes, valid yang nararamdaman mong inis, OP. Tama ka na gamitin mo na lang yung pera mo sa susunod sa sarili mo o sa mas marunong mag appreciate sa mga ibibigay mo.”

“That’s why my saying in life is “Walang masamang magbigay. Pero Wala ring masamang Hindi magbigay” Kasi the moment you stop giving them something despite providing them for a long time, magigiging masama ka na”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I totally get you OP. Nakakasama talaga ng loob pag binibilangan ka pa, di ba pwedeng magthank you na lang sila then yung comments nila wag na iparinig sa nagregalo??”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending