Kiray Celis nasorpresa sa mamahaling regalo ng dyowa at magulang, netizens napa-'sana all' | Bandera

Kiray Celis nasorpresa sa mamahaling regalo ng dyowa at magulang, netizens napa-‘sana all’

Therese Arceo |September 28,2022
facebook
share this

Kiray Celis nasorpresa sa mamahaling regalo ng dyowa at magulang, netizens napa-‘sana all’

Therese Arceo - September 28, 2022 - 07:49 PM

Kiray Celis nasorpresa sa mamahaling regalo ng dyowa at magulang, netizens napa-'sana all'
IBINANDERA ng actress-vlogger na si Kiray Celis ang mamahaling cellphone na regalo sa kanya ng mga magulang at ng boyfriend niyang si Stephen Estopia.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi ng dalaga ang video kung paano siya sinorpresa ng kanyang dyowa ng bagong cellphone.

Pagkukwento ni Stephen sa video, kinakabahan raw siya sa kanyang gagawin at baka mainis si Kiray sa kanya sa oras na gisingin niya ito.

Nang makapasok ito sa loob ng kwarto ng dalaga ay agad nitong sinet-up ang camera para makunan ang suprise sa dalaga at agad na itong tumalon sa kama para gisingin ang kanyang girlfriend.

“Galing akong taping. Pagod ako,” nagrereklamong sabi ni Kiray habang nagtatalukbong ng kumot.

Naghatakan pa ang dalawa at pilit pang ibinangon ni Stephen ang dyowa hanggang sa ipinakita na niya ang cellphone na regalo sa kanya ng magulang at kasintahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

Noong una ay akala pa ng dalaga na walang laman ang box na ibinigay sa kanya ni Stephen dahil magaan lang daw ito.

“Gising na ako! Good morning!” masayang sabi ni Kiray sabay yakap at halik sa kanyang boyfriend.

“Ang ganda naman ng gising ko. Sana ganito ulit gising ko. Bukas gisingin mo ko ulit, 5k naman,” biro pa niya.

Isang latest model ng cellphone na iPhone 14 Pro Max lang naman ang regalo nila para kay Kiray.

“Sulit pagod ko sa taping.. thank you, Mama, papa and jowa,” pagpapasalamat niya.

Marami naman sa mga netizens ang super happy para sa aktres at talaga namang “sana all” na lang talaga ang nasambit ng mga ito.

“Sana all. Ako din Naman ginising.Yung nga lang Ng ‘Katotohanan’ Na kailangan na ulit kumayod para sa kinabukasan kundi ur terminated,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “So sweet. Sana all na lng talaga.”

“Apaswerti at sana all naman talaga e .. Hehehe ako din mapapasana all sa cp kung puro hang bago ka makapagchat gugugol ka.mona ng ilang minuto bago lumabas keyboard,” sey pa ng isa.

Related Chika:
Mata ni Kiray ipina-tattoo ng dyowa sa dibdib: Alam ko patay na patay ka sa akin!

Malisyosong netizen supalpal kay Gretchen Ho: Grabe, di ba? Ang lala at ang bastos!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kiray sinupalpal ang mga netizens na nangne-nega sa kanya

Kiray Celis kinilig sa bagong tattoo ng dyowa: Mahal na mahal na, patay na patay pa!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending