Kiray sinupalpal ang mga netizens na nangne-nega sa kanya | Bandera

Kiray sinupalpal ang mga netizens na nangne-nega sa kanya

Alex Brosas |November 12,2021
facebook
share this

Kiray sinupalpal ang mga netizens na nangne-nega sa kanya

Alex Brosas - November 12, 2021 - 09:36 AM

Kiray sinupalpal ang mga netizens na nangne-nega sa kanya

NAG-REACT si Kiray sa batikos sa kanya matapos siyang regaluhan ng mamahaling gadgets ng kanyang dyowang si Estephan Estopia.

Lait kasi ang inabot ni Kiray nang i-post niya sa kanyang Instagram account ang mamahaling regalo ng kanyang boyfriend.

May mga nagsasabi kasing siya lang naman daw ang bumili ng mga iyon. May mga nagsasabi ring sa kanyang pera din naman nanggaling ang mga ipinambili sa pricey gifts.

Hindi iyon pinalampas ni Kiray at talagang nagbigay siya ng mahabang aria sa kanyang IG account.

“Hindi naman nababase ang pagmamahal sa regalo..
“Hindi naman porket binilhan ka ng mamahaling gamit, hindi ka na lolokohin..
“Hindi binili ng jowa niya yan.. pera ni kiray yan.

“Isa lang yan sa mga narinig namin pero nakakatawang basahin at pakinggan,” say ni Kiray.

Binigyan ni Kiray ng paliwanag kung paano nakaya ng dyowa na bilhan siya ng mamahaling regalo.

“YES! Masyadong mahal tong LV na sandals at IPHONE 13 para iregalo ni @stephan.estopia. Halos pasok lang sa sweldo niya sa stream at sa endorsements na ginawa niya. Pero hindi yun naging hadlang para hindi niya daw maibigay lahat ng gusto ko.

“Kaya nagpapasalamat ako sa jowa ko kasi kahit hindi naman niya kailangan patunayan sainyo.. at dahil sa makikitid na utak niyo na kesyo ako lagi gumagastos, ako bumili, ako naglabas eh ginagawa niya parin.”

View this post on Instagram

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

Sinupalpal niya ang bashers sa pagsasabing “Para daw malaman niyong lahat kung gaano niya ko kamahal. Kaya, Salamat kasi buong buhay ko halos gamit at kailangan ng pamilya ko ang priority ko.. madalas nakakalimutan ko na yung sarili ko.. pero lagi mong pinaparamdam sakin na “DESERVE” ko lahat kasi mabait at masipag akong tao.. Thank you dad! Salamat sa lahat!”

Sa huli ay may patutsada si Kiray sa mga bashers niya.

“Kaya sa mga inggitera, hindi kasi kayo nireregaluhan ng mga jowa niyo. At para naman kay @senyora.official, WALA KA KASING JOWA! HAHAHAHAHAHA!”

* * *
Maraming natutunan si Renshi de Guzman ng Squad Plus sa mga senior co-actors niya sa “Huwag Kang Mangamba”.

“Sobrang dami kong natutunan kila Ms. Mylene (Dizon), kila tita Sylvia (Sanchez), kila sir Dom (Ochoa), kila Ms. Eula (Valdes). Sobrang dami,” sey ni Renshie sa finale online conference.

“I think ‘yung mga tumatak sa akin is ‘yung pagiging professional sa trabaho. ‘Yung pahalagahan yung trabaho, na maging mabait, maging palabati, na wala namang mawawala kung babati ka at magsasabi ka ng good morning. Yun yung tumatak sa akin,” saad pa niya.

Maging sa director niyang si Manny Palo ay may natutunan din ang binata.

“Yun yung pinaka-natutunan ko sa kanila is yung pagiging professional at matuto kang makisama sa mga co-actors at siyempre rumespeto,” say ni Renshi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Member ng Ekis gang si Renshie sa “Huwag Kang Mangamba” na magtatapos na this week. The show which stars Seth Fedelin, Francine Diaz, Kyle Echarri and Andrea Brillantes is streaming via the Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, Kapamilya Online Live, iWant TFC, WeTV and iFlix.

Related Chika:
Kiray naiyak nang makaharap ang delivery rider; inabutan ng ayuda
Kiray ibinandera ang bagong bikini photo; nagbabala sa body shamers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending