Kiray ibinandera ang bagong bikini photo; nagbabala sa body shamers | Bandera

Kiray ibinandera ang bagong bikini photo; nagbabala sa body shamers

Ervin Santiago - May 27, 2021 - 09:34 AM

IBA’T IBA ang reaksyon ng netizens sa bagong paandar na bikini photo ng Kapuso comedienne at social media influencer na si Kiray Celis.

Muli kasing ibinilad ng komedyana sa publiko ang kanyang hubad na katawan bilang bahagi pa rin ng kampanya niya para sa body positivity.

“Itigil (n’yo) na ‘yung BODY SHAMING!” ang bahagi ng panawagan ni Kiray sa lahat ng laitera at body shamers sa socmed kalakip nga ang mga bago niyang bikini photos sa Instagram.

Makikita sa kanyang IG account ang isang black and white photo na nakasuot ng two-piece bikini. Sa caption na isinulat niya, muli niyang ipinagdiinan na tigilan na ang pambabastos o pang-ookray sa katawan ng ibang tao.

“For sure hindi mo rin gusto makakita or makarinig ng hindi magandang comment tungkol sa katawan mo. Kaya tigilan mo ‘yang PANLALAIT MO.

“Maging proud tayo kung ano at sino tayo. CONFIDENCE IS THE KEY TO SUCCESS! Hehehe.

“Swipe left para sa tunay na filter ng photo. Epal ko (raw) sabi ng jowa ko kaya blinack and white ko,” sabi pa ni Kiray na ang tinutukoy ay ang non-showbiz niyang boyfriend na si Stephan Estopia.

Marami namang pumuri sa tapang at confidence ni Kiray pagdating sa pagpapakita ng katawan ngunit may mga nagsabi rin na tigilan na niya ang pagpo-post ng mga hubad niyang litrato dahil hindi naman daw bagay sa kanya.

Ilang socmed followers naman ni Kiray ang nagsabi na karapatan ng dalaga kung ano ang gusto niyang i-share sa kanyang social media accounts kaya walang karapatan ang sinuman na diktahan siya.

Nauna rito, may isa pang post ang Kapuso star kung saan pinaringgan niya ang mga taong walang ginawa kundi mangnega at mainggit sa kapwa.

Hugot ng dalaga, “Hindi naman lahat ng naka-follow sayo, i-lalike ka. ‘Yung iba, chine-check lang ‘yung mga pictures mo at naiinggit kung gaano ka kasaya.”

Aniya pa, “There will be haters.

“There will be doubters.

“There will be non-believers.

“And then, there will be you, proving them wrong.

“Kiss po para sa lahat ng bashers! Masaya ako para sa inyo.

“Kaya magpopost pako ng lahat ng gusto ko. Kasi Gusto ko, happy kayo. HAHAHAHAHA.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Actually, hindi ito ang unang pagkakataon na nanawagan si Kiray sa lahat na gawing advocacy ang pangangampanya sa body positivity. Ilang netizens na rin ang sinupalpal niya dahil sa panglalait sa katawan niya kapag nagpo-post siya ng bikini photos sa socmed.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending