Topper Fabregas walang arte sa mga sex scene sa kapwa lalaki

Topper Fabregas walang arte-arte sa laplapan, sex scene sa kapwa lalaki

Ervin Santiago - December 04, 2024 - 07:26 PM

Topper Fabregas walang arte-arte sa laplapan, sex scene sa kapwa lalaki

Kurt Kendrick, Topper Fabregas at Timothy Tuppil

WALANG kaarte-arte ang theater actor na si Topper Fabregas sa pakikipaglaplapan at pakikipag-love scene sa kapwa lalaki.

Bida ang binata sa latest VMX offering na “My Boyfriend is a Sex Worker” kasama ang iba pang Vivamax stars na sina Kurt Kendrick, Marnie Lapus, Adrienne Vergara, Robert Jbeili, Timothy Tuppil at Omar Flores.

Gaganap dito si Topper bilang miyembro ng LGBTQIA+ community na mula sa isang well-off family na may dyowang sex worker na nagpo-post ng steamy videos online. Ito na ang fifth installment ng VMX anthology na “Open Secrets”.

Sa naganap na presscon ng “My Boyfriend Is a Sex Worker”, natanong si Topper kung ano nga ba ang kaibahan at challenge ng paggawa ng love scene sa harap ng mga camera at sa teatro.

Baka Bet Mo: Brenda Mage niregaluhan ng mamahaling cellphone ang bagong dyowa: Binigyan naman niya ako ng pinakulob na itik!

“Sa stage, I’ve already portrayed sex onstage—not naman super nudity but sex in different ways so I’m not too unfamiliar with that pero sa stage kasi, we do it tapos that’s it. No one really gets to watch it back or go back to it so you really just stay at the moment,” sey ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Topper Fabregas (@topperfabregas)


“I guess for this, ’yun ’yung initial fear ko kasi forever na siya. But, I just realized that portraying intimate scenes on film, it’s the same because it’s so physical so you really have to act with your whole body and sa film kasi, you don’t get to do that all the time, eh.

“Usually, close-up siya and, you know, sa stage talaga you just kind of go for it,” aniya pa.

“Medyo nakakatakot lang kasi you’re always thinking at the back of your head,” sabi niya. “I mean, tao lang naman ako, medyo vain din naman ako na iniisip ko na, ‘Will I look okay?’ at the end of the day. That’s my only fear. The rest, it’s work. Work lang siya,” saad pa ni Topper na game na game sa paggawa ng maseselang eksena.

Ilan sa mga nagawa na niyang plays at musicals ay ang “The Normal Heart,” “The Boy in the Bathroom,” “Hair” at “Ang Huling El Bimbo”.

Nakasama rin siya sa ilang pelikula at TV series tulad ng “Sila-sila”, “The Lost Recipe” at “Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento.” Bumida rin siya sa VMX anthology series na “Table for 3”

Samantala, bibida nga si Topper sa “My Boyfriend Is a Sex Worker” bilang si Ace na mula sa mayamang Mendoza family. Tila isa siyang perpektong anak dahil nasa kanya na ang lahat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VMX Philippines (@vmxphilippines)


Nagtapos siya with honors sa kanyang pag-aaral; kumikita nang malaki sa trabaho; at proud sa kanya ang pamilya, lalo na nang mag-out siya bilang gay.

Ang makapangyarihang pamilyang Mendoza ay wala nang hihilingin pa kay Ace. Ngunit magbabago ang lahat nang ipapakilala sa kanila ni Ace ang boyfriend na si Gio, na ginagampanan ni Kurt Kendrick.

Kahit na hindi galing sa maimpluwensiyang pamilya, makukuha ni Gio ang loob ng pamilya ni Ace sa simula dahil na rin sa kanyang charm at personality. Tila perpekto ang lahat para kina Ace at Gio— hanggang sa matutuklasan ng pamilya ang katotohanan kay Gio: isa pala itong adult content creator at sex worker.

Maiipit si Ace sa pagitan ng kanyang pagmamahal kay Gio at sa kanyang pamilya, lalo pa at ang kanyang ina na si Angelica (Marnie Lapus) ay gagawin ang lahat para paghiwalayin sila. Samantala, ayaw naman ni Gio na maging dahilan para magkaroon ng lamat ang relasyon ni Ace sa pamilya nito.

Sa gitna ng pag-ibig at pamilya, ipaglalaban ba nina Ace at Gio ang isa’t-isa, o susukuan nila ang kanilang relasyon?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang Part 1 ng “My Boyfriend Is a Sex Worker” sa VMX pay-per-view simula ngayong December 6, habang ang part 2 nito ay malapit na ring ipalabas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending