Rufa Mae: Na-feel ko lang...balik nga ako sa Philippines, for some reason gusto kong umuwi | Bandera

Rufa Mae: Na-feel ko lang…balik nga ako sa Philippines, for some reason gusto kong umuwi

Ervin Santiago |April 21,2022
facebook
share this

Rufa Mae: Na-feel ko lang…balik nga ako sa Philippines, for some reason gusto kong umuwi

Ervin Santiago - April 21, 2022 - 09:23 AM

Rufa Mae Quinto

WALANG reklamo at walang kundisyong ibinigay kay Rufa Mae Quinto ang asawang si Trevor Magallanes nang magdesisyon siyang balikan ang mundo ng showbiz.

Talagang 100 percent pa rin ang pagsuporta kay Rufa Mae ng kanyang negosyanteng mister kahit na may anak na sila at matagal na nanirahan sa Amerika sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Hindi raw pinagbawalan o hinarang ni Trevor ang komedyan nang sabihin nitong nais niya uling mag-artista makalipas ang ilang taong pamamahinga para mag-focus sa kanyang pamilya.

Balik-GMA 7 na nga ang dating sexy star na isa na ngayong award-winning comedienne at nito lang nagdaang Martes, April 19 ay in-announce na ang muli niyang pagpirma sa Kapuso Network  bilang isang Sparkle artist.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto)


Sa panayam ng “24 Oras” nagpasalamat nga si Rufa Mae sa asawa na all-out ang support sa kanyang major-major comeback, “Sabi niya, ‘Sige, magtrabaho muna tayo nang todo-todo ng isang taon.’ Tapos focus muna doon.”

“Noong nabuo ang Sparkle, wala naman ako. Nasa US. So nagkataon, sa tingin ko kailangan ko na rin ng mag-aalaga sa akin. Kasi nagwo-world tour din ako sa USA so parang naisip ko, hindi rin madali na ikaw na artista, ikaw pa lahat, taga-alaga, basta parang na-miss ko ang showbiz.

“Na-feel ko lang. Balik nga ako sa Philippines. For some reason gusto kong umuwi. Talagang wala akong dala basta bitbit ko ‘yung anak ko (si Athena). Siyempre nagpaalam naman kami,” saad pa ng komedyana.

Sabi pa ng Sparkle comedienne, “Naging sakto lahat ng pagbabalik ko. Nagka-management, nagkaroon ng back to GMA.”

“Lumaki rin ako at buong pamilya ko sa GMA din. Lahat ginawa ko, nag-host ako, nag-sitcom, nag-show, naging mermaid, naging Darna. Magpakain na lang sa buwaya ang hindi (ko pa nagawa)!” excited na pahayag ng komedyana.

Super nag-enjoy din daw si Rufa Mae matapos makasama at makatrabaho ang ilan pang Sparkle artists na sina Arra San Agustin, Ashley Ortega, Luis Hontiveros at Topper Fabregas pati na ang veteran actress na si Irma Adlawan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nagsaluhan kami ng Instagram, kasi nag-TikTok kami and everything. Sobrang tawa lang kami nang tawa, kaya nga sa sobrang saya, tapos na agad ‘yung taping,” chika ni Rufa Mae na inaabangan na rin ng manonood kung magbabalik din siya sa longest-running gag show sa bansa, ang “Bubble Gang.”

#TodoNaTo: Rufa Mae niregaluhan ni mister ng bagong sasakyan

Rufa Mae: Ganito pala maging nanay ang sarap, ang saya, pero ang sakit din…

Rufa Mae napabayaan ang sarili, inatake ng depresyon sa US: Pero lumaban ako at kinaya ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending