Brenda Mage niregaluhan ng mamahaling cellphone ang bagong dyowa: Binigyan naman niya ako ng pinakulob na itik! | Bandera

Brenda Mage niregaluhan ng mamahaling cellphone ang bagong dyowa: Binigyan naman niya ako ng pinakulob na itik!

Ervin Santiago - June 09, 2022 - 11:28 AM

Gio Sta. Ana at Brenda Mage

“OH, mga Marites nagbigay na ‘ko ng iPhone tama kayo gastos talaga pag manglalaki!”

Yan ang tila pang-asar na bwelta ng komedyanteng si Brenda Mage sa lahat ng mga bashers na nang-ookray sa relasyon nila ng bago niyang boyfriend.

Sa halip na resbakan ng masasakit at maaanghang na salita ang mga nangnenega sa pagkakaroon niya ng bagong dyowa, pinanindigan na ni Brenda ang mga akusasyon sa kanya ng haters.

Kahapon, June 8, ibinandera ng “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” 5th Big Placer na totoong gumagastos siya nang bonggang-bongga talaga para sa bago niyang BF na si Gio Sta. Ana.

Yes, binilhan nga raw niya ang dyowa ng bago at mamahaling cellphone at niregaluhan naman daw siya ni Gio ng pinakulob na itik.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Brenda Mage (@iambrendamage)


Ibinahagi pa ni Brenda sa kanyang Facebook page ang litrato ng nangyaring “exchange gift” sa pagitan nila ng dyowa. Aniya sa caption, “Oh diba ang Sweet.. Binigyan ko sya ng Iphone binigyan nya ako ng pinakulob na Itik hahahahaha….

“Oh, mga Marites nagbigay na ako ng iphone tama kayo gastos talaga pag manglalaki hahaha!” sey pa ng Kapamilya comedian.

Esplika ni Brenda, kinuha raw niya ang perang ipinambili niya ng bagong cellphone sa kinita ng kanyang vlog sa pagbisita niya sa bahay ni Gio.

“Oops share ko yan sa kanya dahil sa income ko sa Vlog nu’ng bumisita ako sa bahay nila,” aniya pa.

Nauna rito, binasag ni Brenda ang mga bashers na nagsabing pera lang daw ang habol sa kanya ng bagong boyfriend at iiwan din siya nito matapos mahuthutan.

“Anu ngayon kung pera lang habol sakin ng lalaki at niloloko lang ako! Big deal?

“Yung magaganda at pogi nga naglolokohan eh anu pa ganitong mukha ahaha anu to Para sa inyo lang Valid ang Feelings hahahaha.

“Taas ang kamay sa mga di gumagastos sa Jowa yung malinis ang Relasyon ahahaha HAPPY?” chika pa ni Brenda Mage.

Hugot pa ng komedyante, “Wala naman kasiguraduhan kung magtatagal kayo.. ang importante totoo ang nararamdaman nyo. kahit isa dalawa tatlong linggo o buwan lang ito (rainbow emoji),” ani Brenda.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/301005/ano-ang-pinakamahal-na-regalo-na-ibinigay-ni-brenda-sa-kanyang-dyowa
https://bandera.inquirer.net/302133/brenda-mage-nag-sorry-sa-mga-nasaktan-lahat-ng-salita-at-aksyon-ko-ay-sumasalamin-sa-aking-pagmumukha-at-pagkatao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending