Aktres naloloka sa ex-BF na aktor, hindi pa rin maka-move on?
ILANG taon nang hiwalay ang kilalang ex-couple pero si aktor ay lagi pa ring binabanggit ang pangalan ng dating dyowang aktres na may bagong karelasyon na ngayon.Nagtataka lang ang kampo ng aktres kung bakit nasasama pa ang pangalan nito sa mga panayam ng aktor.
“Bakit laging binabanggit pa si ___ (aktres), e, ilang taon na silang waley? Si ___ (aktres) nga hindi siya binabanggit kahit na noong naghiwalay sila nakikiusap siya na huwag pag-usapan pero may mga nakakalusot pero never tinambayan ang isyu.
“Kasi si ____ (aktres) katwiran niya paano siya makakapag-move-on kung laging pag-uusapan si ___ (actor) kung bakit sila naghiwalay at kung anu-ano pa, makes sense di ba?” kuwento ng kampo ng aktres.
Matagal din bago nakahanap ng bagong dyowa ang aktres dahil ayaw daw nitong gawing rebound ang next boyfriend at nagkatotoo naman, na okay na siya ngayon at natatawa na lang kapag naririnig niya ang ex-boyfriend na binabanggit ang name niya.
“Sabi nga namin ni ___ (aktres), ‘Gurl hindi pa nakaka-move on kahit may dine-date na,” tsika ng kampo ng aktres.
Si aktor ay may dine-date ng iba pero hindi naman nito maamin kung officially sila na pero dahil pareho naman silang taga-showbiz kaya pasok ang kasabihang, “what you see is what you get.”
Sabi pa ng kampo ng aktres, “Hindi ba siya proud sa dine-date niya bakit lagi pa rin niyang binabanggit name ni ___ (aktres)? Hello ___ (aktor), grow up!”
* * *
Suportado ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Halloween film festivals sa iba’t ibang sinehan sa buong bansa. Rated-13 ang “Nanay, Tatay” at “Tenement” para sa manonood edad 13 at pataas.
R-16 naman ang “Pasahero” at “The Thorn Sengkolo” para sa edad 16 at pataas. Ang “My Mother’s Eyes” mula sa Crytalsky Multimedia ay parehong R-13 at R-16.
Lahat iyan ay mula sa “Sine Sindak Ika-5 Yugto” ng SM Cinema. Limang makapanindig-balahibong pelikula ang handog ng “Horrorkada Fest” ng Robinsons Movieworld. R-13 ang “13 Exorcisms” at “The Haunting at St. Josep.”
R-16 ang “Ghostland,” “Immaculate,” at “Saw X.” Mula sa Ayala Malls Cinemas ang “Thrill Fest” na tampok nito ang “The Lost Boys” (R-13), “Trick ‘r Treat” (R-16) at “Corpse Bride” (PG).
Ang PG ay para sa bata na may kasamang magulang o nakatatanda. Hinihikayat ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio ang publiko na tupdin ang mga ratings para sa responsableng panonood ng buong pamilya.
“Patuloy ang pagsisikap ng Board sa pagpapatupad ng angkop na ratings para sa ikauunlad ng pelikulang Pilipino,” sabi ni Chair Lala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.