Xian Gaza inalala ang yumaong ama, may paalala sa netizens: Spend quality time with your parents…nasa huli lagi ang pagsisisi
KASABAY ng pagninilay-nilay ngayong Holy Week, tila naging emosyonal sa latest social media post ang self-proclaimed na Pambansang Lalaking Marites na si Xian Gaza patungkol sa kanyang yumaong ama.
Ayon kay Xian, isa sa pinagsisihan niya sa buhay ay ‘yung hindi niya nabigyan ng oras ang kanyang ama hanggang sa pumanaw na ito noong nakaraang taon.
“The biggest regret of my life is not spending time with my father sa mga huling taon ng kanyang buhay. The virus killed him last 2020,” caption niya sa Facebook.
Paliwanag niya, “I was so busy sa paggawa ng pera that I forgot about my Daddy.”
Sey pa niya sa netizens, “Kung nababasa mo ‘to at buhay pa ang magulang mo, I just want to remind all of you na walang kasiguraduhan ang bukas. Walang makakapagsabi kung kailan sila mawawala.”
Paalala pa niya, “Spend quality time with your parents. Bisitahin mo sila from time to time. Kumain kayo sa labas twice a month.”
“We are so busy growing up, we often forget that they are growing old,” aniya.
Baka Bet Mo: Piolo ibinandera ang ‘bisyo’ kapag walang trabaho; may balak pa bang bigyan ng kapatid si Inigo?
“No matter how much money you earn and how much wealth you acquire, hinding-hindi nito maibabalik ang panahon,” dagdag niya.
Ani pa ni Xian, “Nasa huli lagi ang pagsisisi. Huwag na kayong gumaya sa akin.”
Walang komento mula sa netizens ang post ni Xian dahil naka-off ang comment section niya.
Pero libo-libo na ang nag-react rito at nag-share na umaani na ng mahigit 35,000 reactions at halos 4,000 shares, as of this writing.
Related Chika:
Rita Daniela 2 days lang naglihi: Basta ang hinahanap ko lagi sabaw saka gulay
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.