Piolo ibinandera ang 'bisyo' kapag walang trabaho; may balak pa bang bigyan ng kapatid si Inigo? | Bandera

Piolo ibinandera ang ‘bisyo’ kapag walang trabaho; may balak pa bang bigyan ng kapatid si Inigo?

Reggee Bonoan |March 07,2023
facebook
share this

Piolo ibinandera ang ‘bisyo’ kapag walang trabaho; may balak pa bang bigyan ng kapatid si Inigo?

Reggee Bonoan - March 07, 2023 - 09:10 AM

Piolo ibinandera ang 'bisyo' kapag walang trabaho; may balak pa bang bigyan ng kapatid si Inigo?

Inigo Pascual at Piolo Pascual

NAPAKARAMING proyekto ang nakatakdang gawin ng aktor at producer na si Piolo Pascual ngayong 2023 na siguradong tatagal pa hanggang sa susunod na taon.

Bago kami nakadalo sa “Sunlife Wheel of Life” mediacon ni Piolo kahapon ay nakakuwentuhan namin ang kaibigan at co-producer niya sa Spring Films na si Erickson Raymundo, presidente at CEO ng Cornerstone Entertainment na siya ring nagma-manage sa career ng aktor.

Nagtanong kasi kami kung ano ang upcoming projects ng Spring Films at sabi ni Erickson marami silang movie at series na natapos na at gagawin pa lang.

Nabanggit ni Erickson na may gagawing series si Piolo sa Netflix pero hindi pa nagbigay ng detalye dahil wala pang go signal. Ang kaso nadulas ang aktor sa presscon dahil ikinuwento niya ang tungkol dito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Piolo Jose Pascual (@piolo_pascual)


Nabanggit ni Erickson na mahilig mag-invest si Piolo at niyayaya nga siya pero tumanggi na dahil sapat na raw kung anong mayroon siya.

Pero si Piolo ay kaliwa’t kanan daw ang bili ng properties at pag-i-invest sa resorts at iba pa na nagtugma rin sa kuwento nito nang humarap siya sa press kahapon sa Central Square Cinema One, Bonifacio Global City, Taguig City.

Naikuwento ni Papa P na matipid siya sa mga kinikita niya at mahilig nga raw siyang mag-invest, dito napupunta ang mahigit sa kalahati ng earnings ng aktor at kasama na roon ang insurances which is Sunlife na 16 years na siyang brand ambassador nito.

Every year daw ay nagtatanong siya kung ano ang bagong offer ng insurance company na ineendorso niya para i-update ang kanyang mga policies sa tulong na rin ng ate niyang isang financial advisor.

“What I do is whatever I earn, I just put it in the bank primarily and then, from there, I set aside 10% for my tithe, and then the rest goes to savings.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Piolo Jose Pascual (@piolo_pascual)


“I try as much as possible not to spend as much on things that are just you know, the material things, or let’s say, mga luho.

“I reward myself with insurance, I reward myself with getting a time deposit, I reward myself with getting a new policy.

“From time to time I also reward myself with trips, you know, with my family. I don’t spend on things na sayang lang. So, I try not to spend my money, and just put it in the bank, invest, get protection from insurances and just let the money work for you.

“Hindi ako ‘yung tipo na nagi–splurge and I always make sure that I’m protected. That’s why I don’t spend beyond my means, I don’t spend on things that are just really unimportant.

“And I guess, it’s a big factor that you don’t change your lifestyle just because you earn more. It’s important for us to know and give importance to our future and of course, not just para sa sarili natin but also our families,” mahabang esplika ng aktor.

Nagkatawanan naman ang lahat ng dumalo sa event kung kailan masusundan ang panganay at nag-iisang anak na si Inigo Pascual. “Huwag muna nating pangunahan,” tumawang sagot ni Piolo.

Samantala, conscious si Piolo sa health niya kaya lagi siyang nag-e-exercise at tamang pagkain at pinakaimportante ay ang tulog. Ito raw ang bisyo niya kapag wala siyang commitment, ang matulog ng mahabang oras.

In 14 years ay masasabing senior na si Piolo kaya natanong kung nagtatrabaho pa kaya siya sa mga panahong yun at kung ano pa ang kulang sa buhay niya.

“Mahirap kapag kumpleto ka na (bungisngis na sabi). Masaya naman ako. May kulang ba? Siguro kapag dumating doon ko sasabihin na ito pala ‘yung hinahanap ko.

“Baka malaman ko pag dumating na lang. I’m just really happy and content, fulfilled with my life, my health, there’s nothing else I can ask for peace for everyone to stay healthy and maging good encouragement to the people, just protect your testimony and inspire other people and to live a good life,” aniya pa.

Heart sa reaksyon ni Chiz pag nagsa-shopping: Napipikon siya sa akin, ‘Ilang bibig na ang napakain mo riyan?’

Erickson Raymundo dedma sa bashers ng mga Cornerstone talents: ‘Paano mo sasagutin ang mga walang mukha?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Elijah Canlas sasabak na rin sa pagkanta; proud boyfriend sa tagumpay ni Miles Ocampo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending