Heart sa reaksyon ni Chiz pag nagsa-shopping: Napipikon siya sa akin, ‘Ilang bibig na ang napakain mo riyan?’ | Bandera

Heart sa reaksyon ni Chiz pag nagsa-shopping: Napipikon siya sa akin, ‘Ilang bibig na ang napakain mo riyan?’

Ervin Santiago - August 31, 2021 - 08:58 AM

Heart Evangelista at Chiz Escudero

ALAM n’yo ba na nagkakaroon ng problema at issue ang mag-asawang Heart Evangelista at Chiz Escudero nang dahil sa usaping “pera”.

Ito ay dahil sa “spending habits” ng Kapuso actress na palaging pinapansin ni Chiz lalo na kapag bumibili ito ng mga mamahalin at branded stuff.

Nagbahagi ang celebrity couple ng ilang detalye tungkol sa anim na taon nilang pagsasama bilang mag-asawa at kung anu-ano ang mga hinarap nilang mga challenges sa nakalipas na mga taon.

Diretsahang binanggit ng gobernador ng Sorsogon na isa sa mga naging “struggle” niya sa pagsasama nilang mag-asawa ay kung paano ginagastos ni Heart ang kanyang mga kinikita.

“For her to learn discipline and maturity with respect to the money she earns and spends,” ang pahayag ni Chiz sa pakikipagchikahan nila ni Heart sa broadcast journalist na si Karen Davila.

Agad namang sagot ng Kapuso actress sa kanyang mister, “I understand. I get it now.”

Pero mabilis ding nilinaw ni Heart ang matagal ng tsismis na pera ni Chiz ang ipinambibili niya ng kanyang mga branded shoes at bags.

“Oh wow! My God! It’s funny,” reaksyon ni Heart. Hirit naman ni Chiz, “Isa nga ‘yan sa pinag-aawayan namin eh. 

Sagot naman sa kanya ng aktres, “But we’re opposites. Like we’re totally not the same. Like when I shop, napipikon siya sa akin before. But not anymore.

“Napipikon siya sa akin like he’d say, ‘Ilang bibig na ang napakain mo diyan?’ Gaganunin niya ako. Sapatos lang ‘yun. So, siyempre, I’d hide everything, right?” sey ni Heart na sinagot naman ni Chiz ng, “And then she complains afterwards.” 

“Kasi nga we’re so different, ‘di ba? My parents also, they like to shop. It’s like if you do something na maganda, they’ll reward you with something nice. So, ‘yun ‘yung language of love ko din,” paliwanag uli ni Heart. 

Chika pa ng lead star ng bagong Kapuso series na “I Left My Heart In Sorsogon”, kung minsan ay nabubuwisit siya kapag nireregaluhan niya nang bonggang-bongga ang asawa.

“Even for me, I like to gift him with stuff. Pero siya, I don’t get the reaction I want. It pisses me off. Naiinis ako. Ba’t ganu’n? Hindi ba siya nagki-care or something? It’s really in the beginning. Du’n kami nagbabanggaan,” pahayag ni Heart.

Kasunod nito, muling ipinagdiinan ng aktres na nais niyang ipaalam sa buong universe na pera niya ang kanyang ginagastos sa pagbili ng mga gamit niya at hindi galing kay Chiz.

“When people say na he spends for me, no, not at all. But if there’s anything that I want them to know is, I mean I make my own,” ani Heart.

Sey naman ni Chiz, “We have a prenup. What’s hers is hers, what’s mine is mine.”

“And the only reason why is because I think para malinis. I also wanted him to feel na hindi ko siya gagamitin,” sagot ng Kapuso actress.

Hirit pa niya, “I’m not crazy rich. It’s just that I’ve been working for a long time. Pero meron din ako sa sarili ko. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Plus, he also has two kids. Gusto ko rin, in a way, na ma-appreciate ng kids niya na they will be protected. But in case, kung anuman ang mangyari, what is mine is theirs, too,” diin pa ni Heart.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending