‘Leon’ palabas na ng bansa, pero Signal No. 4 sa Batanes

‘Leon’ palabas na ng bansa, pero Signal No. 4 nakataas sa Batanes

Pauline del Rosario - October 31, 2024 - 08:37 AM

‘Leon’ palabas na ng bansa, pero Signal No. 4 nakataas sa Batanes

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

UNTI-UNTI nang lumalayo sa Batanes ang bagyong Leon at posible itong lumabas na ng bansa ngayong gabi, October 31, o kaya bukas ng umaga, November 1.

Ito ang bagong update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na inilabas sa 8 a.m. weather bulletin ngayong araw.

Huling namataan ang super typhoon sa layong 110 kilometers hilaga ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas na hanging 195 kilometers per hour malapit sa gitna at bugsong aabot sa 240 kilometers per hour.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 sa Batanes, habang nasa Signal No. 3 ang northern portion ng Babuyan Islands.

Baka Bet Mo: Direktor umalma sa pagbabalita ng mga bagyong papasok sa PAR

Naka-Signal No. 2 naman ang ilan pang lugar sa Luzon, kabilang na ang nalalabing bahagi ng Babuyan Islands, northern portion ng mainland Cagayan (Camalaniugan, Lal-Lo, Pamplona, Gonzaga, Santa Teresita, Baggao, Buguey, Claveria, Gattaran, Lasam, Aparri, Ballesteros, Abulug, Allacapan, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Santa Ana), northern portion ng Apayao (Pudtol, Luna, Santa Marcela, Calanasan, Flora), at northern portion ng Ilocos Norte (Sarrat, Piddig, Bangui, Vintar, Burgos, Pagudpud, Bacarra, Adams, Pasuquin, Carasi, San Nicolas, Dumalneg, Laoag City).

Heto naman ang ilan pang bahagi ng Luzon na nasa Signal No. 1: Natitirang lugar ng Cagayan, Isabela, the rest of Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, northern portion ng Benguet (Mankayan, Bakun, Buguias), the rest of Ilocos Norte, at Ilocos Sur.

Dahil sa bagyo, asahan ang stormy weather sa Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Ilocos Norte, at Apayao.

Mararanasan naman ang rains with gusty winds sa Aurora, Ilocos Sur, La Union, at ang mga nalalabing lugar ng Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Uulanin din ang Metro Manila, Western Visayas, Negros Island Region, and the rest of Luzon dulot naman ng “trough” o buntot ng super typhoon.

May isolated rainshowers naman ang Mindanao at ang natitirang bahagi ng Visayas dahil sa localized thunderstorms.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending