Direktor umalma sa pagbabalita ng mga bagyong papasok sa PAR

Direktor umalma sa pagbabalita ng mga bagyong papasok sa PAR

Ervin Santiago - October 30, 2024 - 02:55 PM

Direktor umalma sa pagbabalita ng mga bagyong papasok sa PAR

Jason Paul Laxamana

UMANI ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang Facebook post ng direktor na si Jason Paul Laxamana patungkol sa mga bagyong pumapasok sa bansa.

Ang paniwala ni Direk JP, huwag na raw sanang i-announce o ilabas bilang balita ang mga bagyong pumapasok sa PAR, o Philippine Area of Responsibility.

Ayon sa filmmaker, nagreresulta lamang daw kasi ito ng pagkalito sa publiko at pagpa-panic ng mga tao.

“Hot take: a typhoon entering the Philippine Area of Responsibility shouldn’t be announced as news, it causes confusion/panic to regular people who assume that PAR = landfall.

“Pang-meteorologist lang dapat ang info na iyon,” ang bahagi ng FB status ni Direk JP.

Inilabas ng direktor ang kanyang saloobin hinggil dito matapos hagupitin ng bagyong Kristine ang iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, kabilang na ang Bicol Region.

Baka Bet Mo: John Lloyd pinayuhan ni Iya: Ginalingan mo kasi masyado, pars, ayan tuloy…

May mga sumang-ayon sa mga sinabi ng direktor pero marami rin ang nambasag sa trip niya. Sinagot ni Direk ang ilan sa mga nagkomento sa kanyang post.

“By announcing a typhoon’s entry into PAR through local news, can promote public safety, reduce possible risk and damage sa mga properties and people. So it’s good din naman, and it depends how news and authorities will report it to regular people and not educated enough to not cause panics sa masa,” sey ng isang FB user.

Sagot ni Direk JP,  “It’s enough to say it’s being monitored, along with its chance of making a landfall. No need to mention technical terms like Philippine Area of Responsibility, as it causes unnecessary confusion.”

“PAR is a technical term which is meant for scientists, not the common tao,” dagdag pa niya. “I guess fear-mongering boosts engagement kaya (that’s why) they do this.”

Komento naman ng isang niyang follower, “Sa tingin ko lang direk, it gives people time to prepare for the typhoon. Not sure. Pero they can inform the LGUs nlng cguro.”

“Merely announcing that it will possibly make landfall is enough to heads up people. PAR is a technical term which is meant for scientists, not the common tao,” sagot ng direktor.

May paliwanag din siya sa mga nagsabing “terminologies such as PAR are being thought in schools.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“‘Ever since we were students, Philippine Area of Responsibility are already being taught in schools,’ sabi ng mga out-of-touch sa kaalaman ng common tao. Good (mass) communication is not about dumping technical info on people. It requires digesting of specialized info so they can make better and more informed decisions and responses,” hirit pa ni Direk JP.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending