Ilang celebs nanguna sa relief efforts para sa biktima ni ‘Kristine’

Sarah G, ilang celebs nanguna sa relief efforts para sa biktima ni ‘Kristine’

Pauline del Rosario - October 29, 2024 - 11:03 AM

Sarah G, ilang celebs nanguna sa relief efforts para sa biktima ni ‘Kristine’

MARAMI pang celebrities ang gumawa ng paraan upang matulungan ang mga kababayang nating apektado ng bagyong Kristine na nanalasa sa malaking bahagi ng ating bansa kamakailan lang.

Isa na riyan ang G Studios na pagmamay-ari ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Nakipag-partner ang batikang singer sa Angat Buhay at South Trading Post upang maglunsad ng donation drive.

Base sa impormasyon na ipinost sa social media, sila ay tatanggap ng in-kind donations katulad ng pagkain, tubing, hygiene kits, flashlights, kumot, detergent powder, bago o lumang damit, power banks, tuwalya, diapers para sa mga bata, at marami pang iba.

Baka Bet Mo: BINI magdo-donate ng P1-M para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

 

View this post on Instagram

 

A post shared by South Trading Post (@southtradingpost)

May pa-fundraising event naman ang singer-songwriter na si Arthur Nery.

Bukod sa naganap na concert noong Biyernes, October 25, ay naglagay rin siya ng mga kahon na nasa entrance ng Araneta Coliseum na kung saan pwedeng magbigay ng cash o in-kind donations ang fans.

“Help me show my love to fellow fans in this time of need,” bungad niya sa Instagram post.

Paliwanag niya, “We will be putting up boxes at the entrance, where you can donate in cash or in kind. I will also be selling some of my stuff and my outfits during the concert online, with all proceeds going to those directly affected by the calamity.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Arthur Nery 0.0 (@arthurmneryy)

Nagsama-sama sa online concert ang ilang Kapamilya stars, kabilang na ang nation’s P-Pop girl group na BINI, pati na rin sina Nyoy Volante, Vina Morales, at KD Estrada.

Nangyari ang “Tulong-Tulong Hanggang Dulot: Operation Kristine” noong October 25 na inroganisa ng media giant upang makalikom ng cash donations.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Siyempre, meron din ang GMA at tinawag naman nila ang fundraising concert na “Operation Bayanihan: Bagyong Kristine Telethon.”

Ang mga performers naman nila riyan ay sina Kyline Alcantara, Kate Valdez, Paul Salas, Mikee Quintos, at marami pang iba.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Magugunitang umalis ng bansa ang bagyong Kristine noong Biyernes ng hapon, October 25.

Ngunit sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng mag-loop o bumalik sa ating area of responsibility ang bagyo pagdating ng Lunes, October 28.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending