Direk Jason Paul Laxamana biglang napaiyak sa premiere night ng 'Expensive Candy' nina Carlo at Julia | Bandera

Direk Jason Paul Laxamana biglang napaiyak sa premiere night ng ‘Expensive Candy’ nina Carlo at Julia

Reggee Bonoan |September 07,2022
facebook
share this

Direk Jason Paul Laxamana biglang napaiyak sa premiere night ng ‘Expensive Candy’ nina Carlo at Julia

Reggee Bonoan - September 07, 2022 - 07:30 AM

Julia Barretto nagpa-sexy sa 'Expensive Candy' pero hindi bastos

Julia Barretto, Jason Paul Laxamana at Carlo Aquino

HINDI napigilan ni Direk Jason Paul Laxamana na maging emosyonal pagkatapos ng premiere night ng “Expensive Candy” handog ng Viva Films.

Grabe ang palakpakan ng mga nakapanood ng pelikula nina Julia Barretto at Carlo Aquino na ginanap sa SM The Block nitong Lunes dahil tagisan sa pag-arte ang dalawang bida.

Sabi ni direk Jason Paul, “More than the movie itself na-miss ko kasi ang ganito pagbabalik sa sinehan (sabay punas ng luha). Kasi po kami…(filmmakers) lalung-lalo na ako ito lang po ang trabaho ko, ang pagiging direktor at ‘yung sinehan po ang tahanan namin. So, naging emosyonal lang ako na nakakabalik na tayo sa ganito, so, sana magtuluy-tuloy na, salamat po.”

Sa Setyembre 14 na ito ipalalabas sa mga sinehan nationwide kaya abut-abot ang kaba ni Julia dahil nga challenging ang karakter niya bilang bayarang babae at kumawala na nga siya sa kanyang wholesome image.

Nakailang sexy scenes at sexy outfit si Julia bilang si Candy sa pelikula pero hindi namin naisip na sexy star siya, naroon pa rin ‘yung tingin namin na wholesome siya.

At kung ganito rin ang tingin ng ibang manonood sa aktres ay magandang senyales ito dahil kahit tumanggap ulit siya ng role na walang sexy scenes ay makakabalik siya kumpara sa iba.

Kaya abut-abot ang pasalamat ng dalaga sa mga pumuri sa kanya dahil kahit paano ay naibsan ang kanyang matinding kaba bago nagsimula ang pelikula.

View this post on Instagram

A post shared by Julia (@juliabarretto)


Samantala, si Carlo na 12 years ang agwat ng edad kay Julia (37 siya at 25 ang aktres) ay hindi halata dahil mukha siyang bata o kaedad lang niya. Kahit pa ang karakter niya ay high school teacher ay hindi pa rin halata dahil parang kaedad lang niya ang mga estudyante.

Isa ang “Expensive Candy” sa mga pelikula ni direk Jason Paul sa nagustuhan namin dahil maraming karakter na kasama kumpara sa ibang ginawa nito na antok na antok kami dahil parang binalikan namin ang subject naming Literature sa kolehiyo.

Anyway, sabik ang tao na muling makapanood ng pelikulang produced ng Viva Films sa sinehan kaya feeling namin ay maraming pipila sa Setyembre 14.

Kasama rin sa “Expensive Candy” sina Francis Maguindayao, Denise Esteban, AJ Muhlach, Marnie Lapus, Aica Veloso, Bob Jibeili, Aivy Rodriguez, Keagan De Jesus, Jobelyn Manuel, Quinn Carrillo, at Ivan Padilla.

* * *
Uusad at maglalaban-laban para sa Top 5 ng ikalawang season ng “Idol Philippines” sina Ann Raniel, Bryan Chong, Delly Caules, Khimo Gumatay, Kice, at Ryssi Avila matapos mapagtagumpayan ang movie at teleserye theme song challenge nitong nakaraang weekend.

Samantala, tuluyan nang nagtapos ang “Idol” journey nina Trisha Gomez na kumanta ng “Sana’y Maghintay Ang Walang Hanggan” at PJ Fabia na kumanta ng themesong ng pelikula na “All My Life” na “How Did You Know” matapos makuha ang pinakamababang combined judges’ score at public votes nitong Linggo.

Nagbahagi naman ng kani-kanilang saloobin ang “Idol” judges sa natitirang anim na hopefuls. Para kay Moira dela Torre, nakikita niyang magiging ‘next big thing’ si Kice habang “icon in the making” si Ryssi Avila. Tingin ni Regine Velasquez-Alcasid na kahit anong genre ay kayang gawin ni Khimo Gumatay.

Kinabiliban naman ni Gary Valenciano kung paano ginagamit ni Ann Raniel ang pagiging kontesera niya sa kompetisyon habang na-aastigan siya sa bawat tapak ni Delly Cuales sa stage. Ani ni Chito Miranda, nababagay si Bryan Chong na mapanood sa entablado.

Sa susunod na linggo, mas hihirap ang pagdadaanan ng Idol hopefuls kung saan makikilala na ang mga contestant na sasabak sa finale ng “Idol Philippines.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang Live Gala Shows ngayong weekend sa “Idol Philippines” sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC IPTV.

Julia ayaw nang ipangalandakan ang relasyon kay Gerald: I’ve learned to be protective of my personal life

Hugot ni Carlo: Dapat ang love hindi judgmental, kung mahal mo talaga ang isang tao, ipaglaban mo

Julia mas tumaas ang respeto sa mga sex worker dahil sa ‘Expensive Candy’: Iba pala yung sexy ka sa nang-aakit ka

Julia Barretto napakaseksi sa ‘Expensive Candy’, nakipagsabayan ng halikan at aktingan kay Carlo Aquino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending