Nadine bagay na bagay ang bagong look: 'Pogi na, maganda pa!'

Nadine pinagkaguluhan dahil sa bagong bonggang look: ‘Pogi na, maganda pa!’

Reggee Bonoan - October 12, 2024 - 05:37 PM

Nadine bagay na bagay ang bagong look, hirit ng fans: 'Pogi na, maganda pa!'

PHOTO: Instagram/@paulnebres

VIRAL ngayon ang bagong hair style ng aktres na si Nadine Lustre sa BYS fashion week hatid ng Metro Magazine.

Napanood namin ang video sa Tiktok na sinehare ng netizens kung saan isa si Nadine sa rumampa sa nasabing fashion show kung saan nakasuot siya ng ternong suit.

At may inilabas ding video habang ginugupitan ang aktres ng bago niyang hair style na kung hindi kami nagkakamali ay pixie hair ang tawag.

@naddiealexis_tiktokshop #nadinelustre #fyp ♬ original sound – 𝐉𝐨𝐯𝐞𝐥𝐲𝐧 🛒🧿

Baka Bet Mo: Nadine may kaabang-abang na ‘big’ project: ‘Get ready to play, sing, dance!’

Anyway, nagkagulo ang supporters ni Nadine sa Tiktok dahil kanya-kanya silang komento na ang guwapo raw ngayon ng aktres.

Sabi ng kaibigan namin ay kahawig daw ng gupit ni Nadine ang buhok ni James Reid dati.

Anyway, ang mga nabasa naming komento mula sa netizens ay ang mga sumusunod:

“How to unseen Gulf Kanawut from her side profile gwapo na maganda pa.”

“Bat parang hawig nya si Kylie Jenner.”

“Grabeng face card naman po niyan Ms. Nadine.”

“Poganda ni Nadine.”

“Pag ako ng ganitoh ng buhok pagtatawanan ako sa bahay prro sya bagay sa kanya.”

“Mas bagay niya lips ngayon saktong sakto sobrang ganda ang angas.”

“Hindi ko nakilala si Nadine L pala yan.”

“PRESIDENT NADINE.”

“THE SUBSTANCE YOU QUEEN!!! IT’S UNMATCHED!!!!”

“Galing ng glam team…bagay n bagay ang make up.”

“Akala ko kamuka ni Nadine. Si Nadine pala.”

“Parang Japanese.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“My mother became my father. Grabe naman ang slayability na yannn.”

Anyway, tapos na siguro ang mga eksena ni Nadine sa pelikula nila nina Ms. Vilma Santos-Recto at Aga Muhlach na “Untold” kasi nagpagupit na siya.

In fairness, mas bumagay kay Nadine ang short hair at totoo hindi siya mukhang Pinay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending