Script supervisor na pinapahiya noon naging 'direktor' na

Script supervisor na pinapahiya, sinisigawan noon naging ‘direktor’ na

Reggee Bonoan - October 12, 2024 - 10:27 AM

Script supervisor na pinapahiya, sinisigawan noon naging 'direktor' na

BLESSING in disguise ang nangyari sa isang script supervisor ng pelikula ng kilalang direktor nu’ng paalisin siya dahil hindi kuntento sa trabaho niya.

Dahil ang script supervisor o script continuity na pinaalis ng direktor ay isa na ring direktor at mabait siya sa film crews niya.

Nabanggit ito ng naka-chikahan naming direktor na kaibigan ng dating script supervisor na direktor na ngayon ang naging journey nito sa mayabang na katoto nila sa industriya.

“Gets naman kung mainit ang ulo ng direktor kasi naghahabol ng deadline, normal na ‘yun sa prod, pero ‘yung sigaw-sigawan mo ang tao mo sa harap ng maraming tao, foul ‘yun.  Puwede mo namang kausapin na kayong dalawa lang, hindi ‘yung maraming nakakarinig, siyempre ‘yung self-confidence nu’ng tao ang baba.

“Hindi naman baguhan si (script continuity), rumaket nga lang kasi kulang sa tao tapos ginanu’n ni (mayabang na direktor).

Baka Bet Mo: Angelica balak mag-showbiz comeback sa 2024: ‘Ngayon nakapila lang ang scripts, offers sa ‘kin’

“Nakaganda pa nga kasi may project si (kilalang direktor) kulang sa tao, hayun naging assistant na niya at after yata ng movie nila may kumuhang direktor kay (scriptcon). Nakaganda pa, ‘di ba?” kaswal na tsika sa amin ng direktor na kaibigan ng script continuity.

Binanggit sa amin ang direktor na nagpalayas at nanigaw sa scriptcon niya at tsinek namin kung nakailang awards na dahil in fairness ay magaganda naman ang mga pelikula niya hindi nga lang kumikita.

Susme, mabibilang sa daliri sa kaliwang kamay ang natanggap na awards. Pero in fairness may awards naman ang ilang pelikulang nagawa niya tulad ng “Best Film,” pero hindi siya nanalong director, huh.

“Actually alam ko may mga umiiwas na maka-trabaho siya (mayabang na direktor). Check mo rin mga artistang pumapayag, sila ‘yung mga hindi busy at walang box office appeal kaya hindi kumikita mga pelikula nito.

Nakapanayam na naming ang sinasabing mayabang na direktor at okay siya sa amin dahil straightforward at kaya pala iilan lang ang pelikula dahil mapili.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending