Pagod na pagod, nanghihina: 10 tips para labanan ang stress

Pagod na pagod, nanghihina: 10 tips para labanan ang stress sa life

Ervin Santiago - September 30, 2024 - 06:00 AM

Pagod na pagod, nanghihina: 10 tips para labanan ang stress sa life

File photo/Inquirer.net

SA kabila ng kanyang karamdaman at pakikipaglaban sa sarcoma o abdominal cancer, tuloy pa rin ang pagbibigay ng health tips ni Dr. Willie Ong sa mga Pinoy.

Kahit na hirap na hirap sa kalagayan niya ngayon, hindi pa rin tumitigil ang tinaguriang Doktor ng Bayan sa pagtulong sa mga kababayan nating nanghihingi ng advice kung paano lulunasan ang iba’t ibang karamdaman.

Isa na nga riyan ang nabasa namin sa kanyang Facebook page kung saan inisa-isa niya ang 10 paraan upang labanan ang stress at matinding kapaguran, lalo na yung mga walang tigil sa pagtatrabaho.

“Pagod Lagi? Tips Para May Lakas. Payo ni Doc Willie Ong,” ang titulo ng FB post ng dating kandidato sa pagkabise-presidente.

Sabi ni Doc Willie, “Kung pakiramdam mo na lagi kang pagod at nanghihina, ilan sa mga dahilan nito ay stress sa trabaho, problema sa pamilya, at marami pang iba.

“Gusto nating labanan ang pagod at panghihina. Kaya narito ang ilang payo para makaroon ng lakas:

Baka Bet Mo: Kim: Ikaw lang humahabol…mahal ka nang mahal, di ba nakakapagod?

1. Pagkagising, bigyan ang sarili ng extra 15 minutos. Para magdasal, mag-stretching, at mag-isip o magmuni-muni.

2. Iplano ang gagawin sa maghapon, maari itong ilista.

3. Para may lakas, kumain ng kumpletong almusal gaya ng carbohydrates tulad ng tinapay o kanin. May protina din sa itlog, tapa at manok. Samahan ng prutas tulad ng saging at mansanas. Iwasan ang matatamis.

4. Kung kaya maglakad o umakyat ng hakdan sa trabaho, gawin ito. Dahil ang exercise ay nagbibigay ng energy sa buong araw habang nasa trabaho. Puwedeng gumalaw-galaw din habang nakaupo o may ginagawa, para gumanda ang sirkulasyon ng dugo.

5. Sa trabaho, sundin ang inilista at maari nang gawin ng isa-isa at magfocus. Isipin ang pinakaimportante at unahin ito. Ganoon din pag-uwi sa bahay.

6. Ayusin ang bahay para maging maganda ang nakikita. Maglagay ng maraming makukulay at kaakit-akit sa bahay dahil nagbibigay ito ng energy. Kapag maaliwalas ang nakikita, maaliwalas din ang pag-iisip

7. Maligo bago matulog para presko ang pakiramdam.

8. Sa bawat gabi, humiga ng parehong oras para masanay ang katawan sa pagtulog. Pwede ang 6 hanggang 8 oras na tulog. Pwede rin makinig ng music para ma-relax.

9. Bigyan rin ng bakasyon o ipasyal ang sarili kung matagal nang hindi nakakaalis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

10. Mag-isip ng magagandang bagay o positive thinking. At isiping magagawa mo ang mga bagay para may kumpiyansa sa sarili.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending