Hugot ni Kim: Ikaw na lang ang humahabol, di ba nakakapagod?

Kim: Ikaw lang humahabol…mahal ka nang mahal, di ba nakakapagod?

Ervin Santiago - July 08, 2024 - 12:20 PM

Kim: Ikaw na lang humahabol...mahal ka nang mahal, di ba nakakapagod?

Kim Chiu

TILA relate much ang Kapamilya actress na si Kim Chiu sa naging sitwasyon ng dating magdyowa sa nakaraang episode ng “EXpecially For You” sa “It’s Showtime.”

Ibinahagi ng ex-couple na sina Naya at Arnold sa madlang pipol ang ilan sa mga dahilan kung bakit nauwi rin sa wala ang kanilang relasyon.

Ang matinding pagod o kawalan na ng gana sa kanilang pagsasama bilang magdyowa ang isa sa mga rason ng kanilang breakup matapos ang mahigit  isang taong relationship.

Baka Bet Mo: Nikko Natividad suspended sa TikTok, muling kinabog si Elisse Joson

Kaya naman natanong ng “It’s Showtime” host na si Vice Ganda kung may love pa bang pinanghahawakan ang isang magkarelasyon kung napagod na ang isa sa kanila?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


“Kapag na-realize mong napagod ka or pagod ka na, may love pa ba ‘yun? Kasi kapag sobra kang in love or kapag in love ka, or kapag nasa gitna ka nu’ng nararamdaman mong pagmamahal, nakakaramdam ka ba ng pagod?

“Or ‘yung pagod nararamdaman mo lang kapag wala ka na rin pagmamahal?” ang pahayag ni Vice.

Dagdag pa niyang hugot, “Ano ba ‘yung nauuna, nauuna ba ‘yung kawalan ng love or nauuna ‘yung pagod kaya nawalan ng love?”

Tugon ng isa pang host ng programa ba si Kim Chiu, “Napagod…kasi wala ka nang drive to love, e.”

Sabi naman ni Vhong Navarro, “Kapag kasi mahal mo ang isang tao, hindi ka napapagod, e.”

Baka Bet Mo: Nadine naisip na ring mag-quit noon sa showbiz, nagsawa sa paulit-ulit na ginagawa: ‘Ayoko na, pagod na pagod na ‘ko’

Sinang-ayunan din ito ni Jhong Hilario, “Pero kung love mo ‘yung tao, hindi ka napapagod ‘di ba?”

Sey naman ni Vice, “Kung love mo ‘yung tao, hindi ka napapagod kaya ka napagod, kasi nawala ‘yung love.”

Patuloy pa niya, “Kasi kapag in love ka nga, ‘yung love mo nga ang nakakawala ng pagod e. Kapag nakikita mo ‘yung tao, nawawala ‘yung pagod mo kapag nakikita mo siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


“Di ba, kasi kapag in love ka, para kang bulag, na bingi, na wala kang nararamdaman, manhid ‘di ba? Sabi nga love is blind, hindi na lang siya blind e, numbing e, nakakamanhid pa siya,” ang katwiran pa ng Phenomenal Box-Office Star.

Sabi naman ni Kim, naiintindihan niya ang naging sitwasyon ni Naya na mas pinili kanyang sarili, “Hindi, di ba? Nakakapagod naman talaga magmahal kapag hindi nere-reciprocate ‘yung pagmamahal na binibigay mo.”

Tanong sa kanya ni Vhong, “Bakit ka bumitaw?”

“Kasi ikaw na lang ‘yung humahabol, ‘di ba? Mahal ka ng mahal pero wala namang tumatanggap ng pagmamahal mo. Di ba nakakapagod?” paliwanag ng ex-girlfriend ni Xian Lim.

Sundot na question ni Vice kay Kim, “Kaya ka ba bumitaw dahil habol ka nang habol o kaya ka bumitaw kasi habang humahabol ka, ayaw namang magpahabol?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Natahimik na lang si Kim sa tanong ni Vice.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending