Nadine naisip na ring mag-quit noon sa showbiz, nagsawa sa paulit-ulit na ginagawa: ‘Ayoko na, pagod na pagod na ‘ko’
ANO nga ba ang feeling ni Nadine Lustre na tinalo at talagang kinabog niya sa pagiging Box-office Queen ang tinaguriang Unkabogable Star na si Vice Ganda?
Isa yan sa mga tanong na ibinato sa dalaga sa naganap na thanksgiving-pressco ng Viva Entertainment sa pagiging number one ng pelikulang “Deleter” sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival 2022.
Bukod kay Nadine, humarap din sa mga members ng entertainment media ang co-stars niyang sina Louise delos Reyes at Jeffrey Hidalgo at si Mikhail Red na itinanghal namang MMFF 2022 Best Director.
Halatang hiyang-hiya si Nadine nang tanungin nga kung ano ang masasabi niya na tinalo ng “Deleter” sa pagiging number one sa takilya ang pelikula ni Vice.
“Ano ba naman ‘yung tumalo? Hindi ko po alam. Kasi, kapag inisip ko po ang mga ganyan, parang unreal siya sa akin. Parang nangyayari ba ‘to?
View this post on Instagram
“Para siyang panaginip. Kasi nga I guess, hindi rin sanay. Parang bago rin kasi. Tapos ang ganda rin po talaga ng mga nangyayari sa Deleter kaya ang hirap din pong i-digest,” pahayag ng dalaga.
Bukod sa titulong Box-Office Queen ay tinatawag na rin siya ngayong bagong “Horror Queen”. Reaksyon ng aktres hindi raw talaga niya inaasahan ang tagumpay na tinatamasa ngayon ng “Deleter”.
“Wala po talaga, hindi po namin siya in-intend na MMFF. Parang nasabi na lang po sa amin na ilalagay sa MMFF, parang last two days ng shoot namin, hindi po talaga,” sabi ni Nadine.
Samantala, nasabi rin niya na after doing “Deleter” at sa pagsuporta ng mga Filipino sa MMFF entry nila, na-realize niyang nasa showbiz talaga ang isip at puso niya at ang pag-arte na ang buhay niya.
“I think naman if it’s something na lagi mong ginagawa, in a way, magsasawa ka din o mawawala rin ang passion mo sa isang bagay lalo na kung paulit-ulit na siya. At saka medyo exhausting din kasi siya. Medyo nawala siya but I’m happy na nahanap ko ulit yung passion ko sa acting,” ani Nadine.
Pero ngayon, naiisip na niyang, “Para rito talaga ako, pero may mga times na ayoko nang umarte, ayoko nang mag-artista. Ayoko na! Pagod na pagod na ako! Gusto ko na lang mag-business or outside showbiz.
“I guess, ito lang talaga ‘yung para rito talaga ‘ko and mas na-realize ko pa siya na gustong-gusto ko siyang gawin. Before sige, gawan natin ng project. Pero ngayon, mas passionate ako ngayon,” pag-amin pa niya.
Showing pa rin sa ilang sinehan ang “Deleter” matapos itong ma-extend dahil sa dami pa rin ng gustong makapanood.
Ryza Cenon sa pagiging ina: Matutulala ka na lang sa pagod
Nikko Natividad suspended sa TikTok, muling kinabog si Elisse Joson
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.