Isko binisita si Doc Willie sa SG: Mahina pa siya, marami pang chemo

Isko binisita si Doc Willie sa SG: Mahina pa siya, marami pang chemo

Ervin Santiago - September 18, 2024 - 12:10 AM

Isko binisita si Doc Willie sa SG: Mahina pa siya, marami pang chemo

Willie Ong at Isko Moreno

ILANG araw matapos ibalita ni Dr. Willie Ong na meron siyang sarcoma o abdominal cancer, personal siyang binisita ng TV host-actor na si Isko Moreno.

Lumipad patungong Singapore si Yorme para makita at makumusta nang face-to-face ang cardiologist at online health personality sa gitna ng pakikipaglaban sa kanyang matinding karamdaman.

Kitang-kitang bumagsak ang katawan ni Doc Willie sa inilabas niyang video sa Facebook kung saan ibinahagi nga niya sa kanyang mga tagasuporta na may natagpuang tumor sa kanyang abdomen na tinatawag na sarcoma.

Baka Bet Mo: Willie Ong hindi susuko sa cancer, pero nagbilin na sa mga supporter

Agad na nagtungo si Doc Willie sa Singapore para sa kinakailangang medical treatment kabilang na ang chemotherapy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa pamamagitan ng Facebook, ibinalita ni Isko na binisita niya sa Singapore si Doc Willie na naging running mate niya noong nakaraang 2022 presidential elections.

“Nagkita kami kanina here in Singapore. Mahina pa and marami pang chemo sessions ang gagawin,” ang pahayag ni Yorme.

Ipinarating din ng dating alkalde ng Maynila ang mensahe ng tinaguriang Doktor ng Bayan para sa lahat ng mga Filipino na nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

“Message niya, na mahal daw niya mga kababayan nating Pilipino hanggat malakas siya hindi raw siya titigil ng pagtulong sa taumbayan at sa bansa hanggang sa dulo,” sabi pa ni Isko patungkol sa mensahe ni Doc Willie.

Baka Bet Mo: Carmina Villarroel binisita ni Zoren sa taping, netizens super kilig: ‘Parang teenagers lang sila’

Nauna rito, nangakong patuloy niyang ipagdarasal ang paggaling ng kanyang kaibigan.

Apektado si Yorme sa pinagdaraanang pagsubok ngayon ni Doc Willie matapos niyang mapanood ang video nito kung saan ibinalita nga niya ang tungkol sa pagkakaroon ng cancer.


Nalulungkot daw siya sa natanggap na masamang balita pero naniniwala siya na hindi magpapabaya ang kaibigang doktor at lalabanan nito ang kanyang cancer.

“Nalulungkot ako at the same time hoping for his quick recovery. Sabi ko maraming nagmamahal sa kanya at umaasa sa mga gabay at payo niya sa kalusugan na mga kababayan natin,” sabi ni Isko sa naturang panayam.

Dagdag pa ng dating mayor ng Maynila, “Sinabi ko tatagan niya ang kanyang kalooban at may awa ang Diyos na malalagpasan din niya ang pagsubok na kinakaharap niya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi pa ni Yorme, nakausap din daw niya ang asawa ni Doc Willie na si Dra. Anna Liza Ramoso. Nangako raw siya sa maybahay ni Doc Willie na patuloy niyang ipagdarasal ang mabilis na paggaling nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending