Carmina Villarroel binisita ni Zoren sa taping, netizens super kilig: 'Parang teenagers lang sila' | Bandera

Carmina Villarroel binisita ni Zoren sa taping, netizens super kilig: ‘Parang teenagers lang sila’

Therese Arceo |October 28,2022
facebook
share this

Carmina Villarroel binisita ni Zoren sa taping, netizens super kilig: ‘Parang teenagers lang sila’

Therese Arceo - October 28, 2022 - 10:11 PM

Carmina Villarroel binisita ni Zoren sa taping, netizens super kilig: 'Parang teenagers lang sila'

PERSONAL na binisita ng aktor na si Zoren Legaspi ang kanyang asawa at kapwa artistang si Carmina Villarroel sa taping nito para sa Kapuso teleserye “Abot Kamay na Pangarap”.

Ibinahagi ng aktres ang larawan nila ng asawa sa kanyang Instagram post noong October 27.

“Woohoo! Another visitor and this time it’s tatay!” lahad ni Carmina.

Aniya, talaga raw dinayo siya ng asawa para personal itong i-congratulate sa kanyang milestone bilang artista.

“He wanted to congratulate me in person because of Abot Kamay na Pangarap’s high ratings. Thank you honey,” dagdag pa ni Carmina.

Bukod sa bonggang pagtanggap ng publiko sa teleseryeng kanyang pinagbibidahan ay talaga namang inulan ng “sana all” comments ang kanyang post kung saan makikitang nag-kiss pa silang mag-asawa.

“Sa noo sana hahalik kase parang ayaw naman humalik ni Zoren sa labi ni Carmina kaso mukhang mapilit kaya tipid-halik lang si Zoren. Henebeyen,” sey ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Aba naman sana all ate lineth este maam carmina pala. Isa na po ako na adik na adik sa Abot Kamay na Pangarap.”

“Parang teenagers lang sila. Grabe hindi sila tumatanda,” comment ng isang netizen.

Matatandaang bago pa man ang naging pagbisita ni Zoren kay Carmina sa kanyang taping ay nauna nang bumisita ang anak nitong si Mavy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel)

“I’m a happy mommy! My favorite son visited me. Thank you @mavylegaspi! I love you forever!” sabi niya kalakip ng mga pictures nila.

Sumunod naman ay ang babaeng anak nito na si Cassy.

Chika ni Carmina, “My favorite daughter visited me this time. Yahoo! Thank you my baby girl. I love you so much!”

At para nga kumpletuhin ang pamilya ay si Zoren naman ang nagdesisyong bumisita sa asawa kasabay na rin ng pagbati nito sa mataas na ratings na natatanggap ng teleseryeng pinagbibidahan.

Related Chika:
Jillian Ward inaatake ng matinding nerbiyos dahil sa bagong serye, gaganap na batang doktor: Ang hirap pala, ang daming mine-memorize

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Richard Yap pinangarap maging doktor pero kinontra ng tatay: He wanted me to take up a business course

Carmina Villarroel inintriga ng netizen ukol sa pag-aaral ng mga anak: ‘Bakit po parang inuuna ang showbiz?’

Carmina naisipan nang mag-quit sa showbiz at manirahan sa US: Bahala na si Batman kung ano ang gagawin ko doon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending