Carmina naisipan nang mag-quit sa showbiz at manirahan sa US: Bahala na si Batman kung ano ang gagawin ko doon | Bandera

Carmina naisipan nang mag-quit sa showbiz at manirahan sa US: Bahala na si Batman kung ano ang gagawin ko doon

Ervin Santiago |March 28,2022
facebook
share this

Carmina naisipan nang mag-quit sa showbiz at manirahan sa US: Bahala na si Batman kung ano ang gagawin ko doon

Ervin Santiago - March 28, 2022 - 07:28 AM

Carmina Villarroel at Zoren Legaspi

Carmina Villarroel at Zoren Legaspi

INAMIN ng Kapuso actress at TV host na si Carmina Villarroel na may pagkakataon na rin sa kanyang showbiz career na gusto na niyang mag-quit at mamuhay na lamang ng pribado.

Ayon kay Mina, sa isang artista hindi raw talaga maiiwasan ang makapag-isip ng ganitong bagay lalo na kapag medyo nabe-burnout na dahil sa tension at pressure ng pagtatrabaho.

Sa isang Kapuso exclusive video na “Guilty or Not Guilty” sinagot ni Carmina ang ilang maiintrigang tanong kasama ang iba pang cast  members ng Kapuso series nA “Widows’ Web” — sina Pauline Mendoza, Ashley Ortega at Vaness del Moral.

Pahayag ni Carmina, “For a time only because when I got pregnant, I went to the States tapos sabi ko, ‘Doon na ako.’

“Parang doon na kami ni Zoren, doon na kami ng mga anak ko, parang bahala na si Batman kung ano gagawin ko doon,” simulang pagbabahagi ni Carmina.

Patuloy pa njya, “I was willing to do odd jobs in the States para lang magkaroon ako ng peace of mind because that time, mayroon pa akong problema. That’s why ‘di ako makabalik dito and parang more of peace of mind.”

Pag-amin pa ng misis ni Zoren, “Medyo may pagka-escapist kasi ako then. So, umalis ako. So, that time feeling ko sige na… parang magku-quit na ako, parang bahala na kung ano magiging buhay ko sa America. But, then again, ayaw ni God, sabi niya, ‘Hindi, mag-artista ka pa.’”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel)


Sey pa ni Mina, kung hindi raw nangyari ang lahat ng ito ay sasagutin niya ang tanong na “not guilty” dahil ngayon ay talagang nakikita niya ang sarili na tatanda na sa mundo ng showbiz.

Samantala, patuloy namang pinag-uusapan ng Kapuso viewers at mga netizens ang Kapuso primetime series na “Widows’ Web” dahil mas tumitindi pang mga pasabog ng serye.

Kaya patuloy na subaybayan ang teleserye nina Carmina, Pauline, Vaness at Ashley mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Telebabad.

Zoren ibinuking si Carmina: Nag-aaway kami sa taping, para akong anak niya na kailangang intindihin

Bakit nag-‘yes’ agad si Carmina sa unang suspense-serye ng GMA 7 na ‘Widow’s Web’?

Dimples naisip na ring mag-quit sa showbiz: Pero parang totoo nga ang sinasabi ng mga idol ko…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending