Isko sa pagkakaroon ng cancer ni Doc Willie: May awa ang Diyos!

Isko sa pagkakaroon ng cancer ni Doc Willie: May awa ang Diyos!

Ervin Santiago - September 17, 2024 - 12:01 AM

Isko sa pagkakaroon ng cancer ni Doc Willie: May awa ang Diyos!

Willie Ong at Isko Moreno

IPINAGDARASAL ni Isko Moreno ang paggaling ng kanyang kaibigan na si Dr. Willie Ong na nakikipaglaban ngayon sa abdominal cancer.

Apektado si Yorme sa pinagdaraanang pagsubok ngayon ni Doc Willie matapos niyang mapanood ang video nito kung saan ibinalita nga niya ang tungkol sa pagkakaroon ng cancer at sumasailalim siya ngayon sa chemotherapy.

Nalulungkot daw siya sa natanggap na masamang balita pero naniniwala siya na hindi magpapabaya ang kaibigang doktor at lalabanan nito ang kanyang cancer.

Baka Bet Mo: Ice Seguerra 17 years nang lumalaban sa depresyon: Sa totoo lang, minsan nakakapagod din, pero…

Naging running mate ni Yorme si Willie Ong noong 2022 presidential elections ngunit pareho silang hindi pinalad na manalo.

Pahayag ni Doc Willie, August 29 pa niya ni-record ang ipinost niyang video tungkol sa kanyang karamdaman pero nito lamang nagdaang aras niya ito inilabas sa social media.

“Nalulungkot ako at the same time hoping for his quick recovery. Sabi ko maraming nagmamahal sa kanya at umaasa sa mga gabay at payo niya sa kalusugan na mga kababayan natin,” sabi ni Isko sa naturang panayam.


Dagdag pa ng dating mayor ng Maynila, “Sinabi ko tatagan niya ang kanyang kalooban at may awa ang Diyos na malalagpasan din niya ang pagsubok na kinakaharap niya.”

Sabi pa ni Yorme, nakausap din daw niya ang asawa ni Doc Willie na si Dra. Anna Liza Ramoso.

Nangako raw siya sa maybahay ni Doc Willie na patuloy niyang ipagdarasal ang mabilis na paggaling nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending