Willie Ong hindi susuko sa cancer, pero nagbilin na sa mga supporter
FOLLOW-UP ito sa nasulat namin sa BANDERA kahapon tungkol sa cardiologist na si Doc Willie Ong na nasa ibang bansa para ipagamot ang kanyang sarcoma cancer.
Ilang minuto pa lang ipinost ni Doc Liza Ong ang video ng asawang si Doc Willie na nakikipaglaban sa kanyang sakit na nito lang Agosto na-detect ay agad na itong nag-trending sa Facebook.
Maraming well-wishers ang nagpahatid kay Doc Willie sa FB at YouTube channel nito na nagsabi ring lakasan nito ang loob at gagaling din siya.
Ito rin naman ang laman ng video ng tinaguriang Doktor ng Bayan na sana nga ay gumaling siya dahil marami pa rin siyang gustong matulungan.
Baka Bet Mo: Willie Ong umamin: Wala talaga akong planong tumakbo kasi alam kong hindi ako mananalo ulit
Lubos naman ang pasalamat ni Doc Willie sa lahat ng nagpaabot ng suporta sa kanya kaya ipinost niya ang kanyang pasasalamat para sa mga kababayan niyang Pinoy.
Aniya, “My deepest thanks to the Filipino people. I can FEEL your love and concern even miles away. Thanks for ALL the kind thoughts. I love you all.
View this post on Instagram
“If you can feel that the people around you love you, you want to go on and fight this challenge for them. But if you feel that people hate you, then what is the reason for going on?”
Pinusuan ang post na ito ng doktor na umabot sa 17,000 at 31,700 messages plus almost 900 shares.
At kahit hinihingal nang magsalita ay ang kalagayan pa rin ng kapwa niya Filipino ang iniisip.
Isa pang mensahe niya, “Until my last breath, I will help our poor Filipinos.
“But first, I ask God for a miracle.
“Please heal this 16 cm inoperable Sarcoma. Give me some more time on earth to prove myself. Amen.”
Baka Bet Mo: Hayden Kho binili ang dream car ni Dra. Vicki Belo: It’s for real and this is for you
Samantala, inamin ni Doc Willie na anuman ang mangyari sa kanya ay nakahanda na siya at tila nagbilin na rin siya sa mga sumusubaybay sa kanya.
“Marami akong nakikitang vision kung naniniwala kayo, kaya ako happy, eh. Alam kong may Diyos, alam kong may purpose buhay ko. Gagaling ba ako o hindi, I don’t know. I don’t care if I get well or not,” say ni Doc Willie.
May ipinakitang chart ng tungkol sa sakit niya si Doc Ong at nasabi nitong napanaginipan niya ang una at ikalawang chart.
“Parang simulation ito ‘yung kahapon hindi na mababago, ‘tong ngayon mababago ang importante choices n’yo freewill, maging mabait o hindi, magpatawad o hindi, tumulong o hindi.
“Kung desisyon ninyo (sa buhay) ay masama (ay) tuluy-tuloy sa masama pati anak n’yo apektado.
“Kung desisyon ninyo maganda, mabait, matulungin I love you all, hindi ito biro mahal ko talaga ang kababayan natin. Hindi ko puwede dating sabihin (mahal ko kayo) mukha akong tanga pero ngayong may sarcoma (cancer) na ako puwede ko ng sabihin.
“Salamat sa lahat ng mga tumulong, dasal is very important, more prayers pero hindi naman ako hihingi sa inyo kung gusto n’yo lang ipagdasal (ako).
“Sa mga mahal kong followers, huwag kayong iiyak, huwag masyado malulungkot. Sana mag-ayos-ayos ang pamilya, love, forgiveness, compassion and huwag magalit, ayusin ang sarili.
“Sabi ko nga lalaban tayo, sabi ko sa doktor ko, ‘Dr. Ang, I’m ready to fight.’
“Sabi ng doctor ko, ‘may cancer ka, fight with me, parang Paquiao (Manny) versus Marquez (Juan Manuel) palakas ka parang si Pacquiao, kumain ka ng marami kasi may chemo ka, marami kang chemo kaya palakas ka.
“The chemo kills the bad cell and part of good cells kaya palakas ka, walang negative puro positive lang,” pahayag ni Doc Willie.
Nasambit ding masuwerte ang cardiologist dahil kasama niya ang asawang si Doc Liza na binabantayan siya at naroon din sa tabi niya ang mga anak nila na isa-isa nitong binanggit ang mga pangalan.
Bukod dito ay naging close raw sila ng dalawang panganay niya na dati ay may barrier at pati pamilya niya na rati’y hindi nagkakaintindihan.
Marami pang gustong sabihin sana si Doc Willie pero naputol na ang video dahil kailangan na nitong magpahinga.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming mensahe mula sa netizens na concern kay Doc Willie
“Doc willie be strong po I believed it’s not your time doc. I know God will heal you and we need you. The filipino people needs you. Thank you doc for everything you have done.”
Say ng nangangalang Cynthia pareho sila ng sitwasyon dati ni Doc Ong, “We were also in your situation 2 years ago . We thought there was no way that my husband can survived that Big C but a lot of people prayed for him. God made a big miracle. He is now a walking miracle of God. He will do it again to you. Just trust and believe.”
“Sending our healing prayer to you Doc Wellie .Only God can do a magic powerful healing.Get well soon Doc.”
“Laban lang Doc. Praying for my healing also (done with 12 cycle chemo) with ongoing 35 sessions radiation and 6 weeks chemo.”
“I declared total healing for you Doc Willie by the stripes of our Jesus Christ in the cross Amen! (Praying hands emoji).”
“God is always by your side to hasten your healing, Dr. Ong! Be strong! We will always pray for your recovery!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.