Hayden Kho binili ang dream car ni Dra. Vicki Belo: It’s for real and this is for you Bandera

Hayden Kho binili ang dream car ni Dra. Vicki Belo: It’s for real and this is for you

Reggee Bonoan |February 19,2022
share this

Hayden Kho binili ang dream car ni Dra. Vicki Belo: It’s for real and this is for you

Reggee Bonoan February 19, 2022 - 08:56 PM

HAYDEN’S grand Valentine Surprise “Fulfilling the last item on my bucket list”  ito ang titulo ng episode ni Dra. Vicki Belo sa kanyang YouTube channel na kaka-upload lang ngayong hapon.

As expected laging sino-sorpresa ni Doc Hayden Kho ang kabiyak na si Dra. Vicki Belo sa tuwing magse-selebra sila ng Valentine’s Day at ang paborito nilang lugar ay ang Okada Hotel.

Pero ngayong 2022 ang pinaka-unforgettable sa buhay ng kilalang beauty guru at cosmetic doctor dahil sa valentine’s gift sa kanya ng asawa na ang ideya ay galing sa anak nilang si Scarlet Snow.

Ayon kay doc Hayden ay tinanong niya ang anak kung anong magandang iregalo kay doc Vicki at sinagot siya ng “a car!” at sa tanong kung anong klaseng kotse at ang sabi ng bagets ay Bentley dahil ito ang gusto ng ina.

Pero bago ibinigay ni doc Hayden ang surprise gift niya ay ginawa muna niya ang 4 love languages, words of affirmation, physical touch, acts of service at ang receiving of gifts at hinuli ang quality time pagkatapos nitong ibigay ang mamahaling Bentley car.

Sa box of red flowers nakuha ni doc Vicki ang susi ng kotse na nagulat siya, “wow oh c’mon you’re joking!”

Sabay tawag sa anak at ipinakita ang susi na may letrang B, “Scarlet look, it’s Belo! Bentley! (sabay baling sa asawa), Are you serious?”

At saka sila pumunta sa entrance ng hotel kung saan nakaparada ang brand new Bentley car na tinanggalan ng takip.

“Is this for real?” tanong ng doktora.

“Yes I, my love,” tugon naman ni doc Hayden.

Sinipat-sipat ni doctora Belo ang loob ng bago niyang sasakyan at umupo pa sa likod at tsinek din ang kulay mga detalye.

“Wow, ang tagal ko nang drinim ‘to! Because it has letter B so, it’s always been my dream car,” sambit nito sabay pakita ng susi na may logo.

Say naman ni doc Hayden, “And I know it’s a car that you will never buy for yourself. So, I thought Pingpong (term of endearment) you have been granting and fulfilling the wishes of so many people, from people who are important from from people who can’t do anything for you, you make their wishes come true like a fairy godmother. So, I though it’s about time somebody grants your wish naman.”

“Wow, unbelievable! You know I can’t buy this because it’s too mahal! I look every year but it’s always too mahal. ‘Coz ‘you love me (sabay subsob sa dibdib ng asawa) thank you,” saad ni doc Vicki at hinalikan naman siya sa ulo.

“Thank you Scarlet for giving me the idea,” sambit ni doc Hayden sa anak.

Dagdag pa, “that’s the thing about Vicks, she really wants to give people experiences and normally hindi lang naman experience. Even our helpers and people she doesn’t know give them gifts super lavish. And minsan I feel guilty, parang I’m feeling madamot but in fact it makes me realize na nothing on earth is permanent and the money that we have, gifts that we have, we give each other, everything it’s just here.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo)

 

Just want to let you know that you are my treasure and you deserve all the best.”

At ang huli ay ang quality time kung saan pumasok ulit sila sa isang room kung saan naka-set up ang dining table na punumpuno ng red roses.

Bago magtapos ang video ang pahayag ni doc Vicky, “so unexpected kasi tuwing valentines special siya usually mga flowers lang, happenings, game at na-freak out naman ako na nagkaroon ako ng dream car ko forever.

“So unexpected kasi kung may bucket list, ‘yun na lang naiiwan sa bucket list ko. The car I’ve been wanting for so long pero every time I look at it parang masyadong mahal, don’t buy it (sa isip niya). Kita mo careful naman ako sap era ko pero mas masarap ‘yung binibigay di ba?”

At ibinuking din ng wifey ni doc Hayden, “to marry somebody when I was 18 nasa bucket list ko ‘yan na I’ll marry somebody who looks like a model but who has to be a doctor.”

At nangyari naman ito noong edad 61 si doc Vicki nang ikasal sila ni doc Hayden noong 2017 sa Paris, France. Forty-three years ang hinintay ng beauty guru bago natupad ang bucket list niya.

Puring-puri naman ng netizens si doc Hayden sa ipinapakita nitong pagmamahal sa asawa na talagang pinaghihirapan niya para mapasaya si doc Vicki.

Ang ilan sa mga nabasa naming komento:

Mula kay Donuty Bread & Pastry House, “Naiyak ako sa message ni Doc Hyden, ramdam mo yun sincerity ng love nya kay Dra Vicki. I pray both of you to God, and give your relationship guidance and more love for each other.

Galing kay Juvy Morado, “Ang saya ng puso ko ng mapanuod ko ito… Nasa center nyo po si Lord. At ang buti ng puso ni Dra, Vicki”

Sabi naman ni MJ Limbunting, “This made me cry.. When Hayden says “its time to grabt your wish this time” you’ve been a fairy God Mother to all and happy to see how you make people happy whenever you are helping them. Such an inspiration. Before, I really don’t like Hayden for you but he proved himself that he deserves what he has now you and Scarlet. Keep being an inspiration. You are very high and hard to reach but you always keep yourself on the ground.”

 

Related Chika:
Hayden gustong magka-baby uli, Vicki may nakakalokang hirit: Hihintayin mong mamatay ako?
Vicki Belo tumalon mula sa umaandar na kotse para takasan ang ka-date: Tumakbo talaga ako at nagtago!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending