Kim, Jackie naiyak sa hirit ni Ryan Bang tungkol sa 'fiancée'

Kim, Jackie na-hurt, naiyak sa hirit ni Ryan Bang tungkol sa fiancée

Ervin Santiago - September 11, 2024 - 09:25 AM

Kim, Jackie na-hurt, naiyak sa hirit ni Ryan Bang tungkol sa 'fiancée'

Ryan Bang, Vice Ganda, Kim Chiu at Jackie Gonzaga

NAKAKALOKA ang naging “plot twist” sa bukingan ng mga host ng “It’s Showtime” sa segment nilang “Tawag ng Tanghalan: The School Showdown.”

Aliw na aliw at tawa nang tawa ang mga studio audience pati na rin ang mga manonood sa GMA 7 at sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN sa ibinuking ni Vice Ganda sa madlang pipol.

Nangyari ito nang ipakilala ng mga host si Ryan Bang bilang “Gong-bassador” nang araw na yun para sa “TNT” at sinimulang chikahin ni Vice.

Baka Bet Mo: Payo ni Vice kay Jackie dapat laging pasabog; endorser na rin ngayon

Simulang panunukso ng Phenomenal Box-office Star kay Ryan, “Pinag-uusapan ka sa dressing room.” Ikinagulat ito ng TV host-comedian sabay sabing, “Ako ‘yung topic?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


Pambubuking ni Vice Ganda, may mga co-host daw sila na pinag-uusapan ang buhok ni Ryan. Gusto raw sana nilang pagupitan ang kasamahang Koreano para mas lumabas ang kaguwapuhan nito.

Tanong ni Vice kay Ryan habang natatawa, “Noong sinabi nila magpagupit ka, ano’ng sagot mo raw?”

Tugon naman ni Ryan, “E, gusto ni Paola (Huyong, partner niya) ‘yung hair ko medyo mahaba.”

Pero pagkontra ni Vice sa sagot ng Koreanong komedyante, “Hindi iyan ang sinagot mo. Ano ang sagot mo kanina?”

“Hindi naman kayo ang fiancée ko,” ang mabilis na sagot ni Ryan.

Super laugh uli si Vice pati na ang ibang host ng programa at ang lahat ng nasa studio.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ryan (@ryanbang)


Patuloy na pagkukuwento ng Unkabogable Star, “Kaya naman pagdating sa dressing room may umiiyak. (Sabi nila), ‘Grabe naman si Ryan. Bakit kailangan ipamukha sa amin na wala kaming fiancé?'”

Tinanong naman ni Tyang Amy Perez kung sino ang tinutukoy ni Vice hanggang sa mahuli nga ng mga Kapamilya at Kapuso na napatingin si Kim Chiu kay Jackie Gonzaga.

Naloka naman si Kimmy nang biglang humarap sa kanya si Jackie sabay hirit ng, “Punasan ko na lang Ate Kim (luha mo).”

Baka Bet Mo: Promise ni Jackie kay Vice sa ‘LU’ viral video: Next time mag-iingat na ‘ko

Resbak naman ni Kim kay Jackie, “Hoy, ikaw din, ah!”

Hirit naman ni Vice, “Hoy! Kayong dalawa ang umiyak. Nagyakapan silang dalawa, ‘Wala tayong fiancé.'”

Kasunod nito, nagyakapan na lang sina Kim at Jackie habang kunwaring hurt na hurt sa nangyari. Tinanong naman uli ni Vice si Ryan kung bakit ipinamukha pa niya sa dalawa nilang co-host na wala silang fiancé.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sagot ni Ryan, “Hindi kasi, mommy, ang dami nilang sinasabi at ang daming comment. ‘Dapat dito, dapat ganiyan.’ Ba’t kayo ba fiancée ko? Ang dami nilang comment sa akin.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending