Kapatid ng kilalang aktor dinampot ng mga pulis dahil sa droga

Kapatid ng kilalang aktor dinampot ng mga pulis dahil sa droga

Reggee Bonoan - September 10, 2024 - 05:05 PM

Kapatid ng kilalang aktor dinampot ng mga pulis dahil sa droga

DINAMPOT ng mga pulis ang kapatid ng kilalang aktor matapos mapatunayang gumagamit ito ng ilegal na droga.

“May entrapment kasi, ang daming pulis tapos pinosasan si ____ (kapatid ng aktor), ‘yun pala dinampot para i-rehab,” ang tsika ng kapitbahay ng kapatid ng aktor.

May dagdag din ang kausap naming guwardiya ng kilalang subdibisyon sa Antipolo City kung saan nakatira ang  pamilya ng kapatid ng aktor.

“Kilalang-kilala dito sa ___ (subdibisyon) si ____ (kapatid ng aktor), ang daming barkada, eh, saka alam naman na user siya saka naka-blotter siya sa amin pati ‘yung nangyaring dinampot siya,” kuwento sa amin ng guwardiya.

Sa pagkakatanda namin ay matagal nang may bisyo ang kapatid ng aktor dahil nag-attempt din itong pasukin ang showbiz, pero hindi nagtagal dahil nagkaroon na ito ng problema.

Baka Bet Mo: 4 na kilalang aktor kanya-kanyang tsismis tungkol sa kanilang mga dyowa

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pagpapatuloy ng aming kausap na guwardiya, “Buwan ng June ‘yun, eh, nu’ng damputin si ____ (kapatid ng aktor) kasi pina-rehab na yata kasi natatakot na sila kapag under the influence of drugs may mga banta-banta na, e, hindi maganda ‘yun.

“Mabait naman siya kaya lang kapag nakatira (naka-drugs), takot na ang mga kasama sa bahay. Hindi naman nanggugulo dito sa subdibisyon, pero siyempre kilala siya, eh, daming kaibigan,” sabi pa sa amin.

Inalam namin kung saang rehab dinala ang kapatid ng aktor, “Hindi kami sigurado pero Pasig ‘yung narinig naming rehab nu’ng may nagtanong saan dadalhin.”

Anyway, matagal ng problema ng aktor ang kapatid niya na maraming beses na rin niyang tinutulungan lalo na sa showbiz, pero hindi naman naging successful kaya nabalewala rin hanggang sa nag-asawa na.

Nakakatuwa ang aktor, ang galing-galing niyang magdala ng problema dahil hindi mo makikita o mahahalata sa kanya na may mabigat siyang pinagdaraanan lalo na nu’ng nagkaroon din siya ng personal niyang problem la na hindi rin kaagad  pumutok sa publiko at nang malaman ng netizens ay naayos na niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Palibhasa lumaking mahirap at matindi ang mga pinagdaanan sa buhay bago nito nakamit kung anuman ang estado niya ngayon kaya sisiw na lang sa kanya ang mga problemang kinakaharap.

Kaya pala ang husay-husay umarte ng aktor dahil marami siyang pinaghuhugutan at nakakatuwa dahil puring-puri siya ng lahat ng co-actors niya sa pagiging mabait, propesyonal, at marespeto sa lahat ng taga-production.

Going back sa kapatid, sana habang nasa loob siya ng rehabilitation center ay mapag-isip-isip nito ang mga hirap at tinitiis ng kapatid niyang aktor para mapabuti siya pati ang pamilya nito lalo na’t ang lalaki na pala ng mga anak niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending