4 na aktor kanya-kanyang hirit tungkol sa kanilang mga dyowa

4 na kilalang aktor kanya-kanyang tsismis tungkol sa kanilang mga dyowa

Reggee Bonoan |January 11,2024
facebook
share this

4 na kilalang aktor kanya-kanyang tsismis tungkol sa kanilang mga dyowa

Reggee Bonoan - January 11, 2024 - 12:15 AM

4 kilalang aktor kanya-kanyang hirit at chika tungkol sa kanilang mga dyowa

Guess, guess who!? Ma-gets n’yo kaya kung sinu-sino sila?

SA TSIKAHAN ng ilang kilalang aktor kasama ang hindi na aktibong male star na nagkita-kita sa isang event ay kanya-kanya silang kumustahan. Sa grupong iyon ay hindi kasama ang kanilang partners in life.

Boys night out sila. Alam mo na bidahan nang bidahan. Lahat sila may mga projects, except si ____ (hindi na aktibo sa showbiz) kasi may iba naman siyang ginagawa,” simulang kuwento ng aming source.

Si aktor A ay kaliwa’t kanan ang projects ngayong 2024 tulad nu’ng 2023 na masasabing suwerte siya sa magkasunod na taon dahil balita namin ay hanggang 3rd quarter ngayong taon ay busy siya.

May aktres na nali-link sa kanya at kahit na hindi niya inaamin nang pormal ay obvious na sila na kasi hindi naman nila itinatago kapag nagdi-date sila.

Baka Bet Mo: Aktor na nasisisi sa hiwalayan nila ng magandang aktres, magsasalita na; aaminin kayang si girl ang unang mangaliwa?

Tinanong namin ang taong malapit kay aktor na wala sa tsikahan kung ito na ba ang huling babae sa buhay niya dahil lampas na siya sa marrying age.

“Hindi pa ‘yan! Maniwala ka sa akin, kilala ko si ____ (aktor),” mabilis na sagot ng taong malapit sa aktor.

Next ay si aktor B na may dyowang aktres din at seryoso naman siya sa girlfriend niya dahil magkasundo sila sa maraming bagay at masunurin naman si girlfriend dahil kapag may kanya-kanya silang work ay hindi nila pinakikialaman ang isa’t isa kahit pa may kissing scene sa kanilang ka-partner.

Tinanong daw si aktor B ng tropa niya kung bakit hindi pa lume-level up ang relasyon nila.

“Hindi binanggit ni ___ (aktor) kung sino ang kailangan pa niyang kausapin kasi hindi raw pabor kay ___ (dyowang aktres). Saka si ____ (aktres) hindi pa rin handa kasi as of now may gagawin siyang series na matagal na niyang pangarap,” kuwento ng aming source.

Baka Bet Mo: Pelikulang gagawin sana ng sikat na aktres at aktor napurnada dahil sa selosong dyowa ni ate gurl

Sumunod si aktor C na may girlfriend ding aktres na hinuhulaan naman ng lahat na hindi rin ito ang makakatuluyan dahil sa nakikita nila ay hindi pa handang magpakasal ang aktor.

“Nu’ng tinanong kasi siya ___ (aktor) tumawa lang at sabay sabing, ‘Cheers.’  E, di anong ibig sabihin, waley di ba?  ‘Yung dyowa niya parang umaasa kasi nga naman ang tatanda na nila,” say ng aming source.

Si aktor C at ang girlfriend niyang aktres ay hindi pa naman katagalan kaya siguro hindi pa makasagot ang aktor, pero mukhang mahal na niya ang dyowa niya kaya lang sikat si girl baka hindi pa rin ito um-oo kapag inalok ng kasal.

Ang aktor na hindi na aktibo ay nagsabing hindi pa rin siya handang mag-asawa dahil may iba siyang prayoridad kaya ang girlfriend niyang aktres ay wait to death kung kailan siya aalukin ng kasal dahil gusto na rin niya at nagsabi na siya sa mga interviews niya na kapag nag-asawa siya ay itutuloy pa rin niya ang pag-aartista.

Sitsit ng aming source, “’Yun ang mali ni ___ (dyowang aktres) kasi gusto ni ___ (aktor na hindi na aktibo) hindi na siya magwo-work kasi asikasuhin na niya ang buhay may-asawa na niya. Kaya siguro hindi pa siya inaalok.”

Dagdag pa, “Kaya tong si ___ (aktor na hindi na aktibo) suma-sideline eh, ewan lang kung alam ni ___ (dyowang aktres) kasi kilala rin niya ‘yung nakaka-date.”

Ang panghuli ay si aktor D na kuwento ng aming source, “Sobrang in-love na sa dyowa kaya lang hindi pa handa si girl kaya date-date lang sila.”

Walang binanggit sa amin si source kung taga-showbiz ang dyowa ni aktor D. Ang saktong sabi lang sa amin, “Suwerte ni ___ (aktor).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May mga off the record na kuwento pa ang aming source lalo na raw nu’ng marami nang nainom ang grupo. Iba talaga ang epekto ng alak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending