Ruru sa pagpapakasal kay Bianca: Hanggang pangako muna tayo

Ruru sa pagpapakasal kay Bianca: Hanggang pangako lang muna tayo

Ervin Santiago - September 10, 2024 - 07:49 AM

Ruru sa pagpapakasal kay Bianca: Hanggang pangako lang muna tayo

Ruru Madrid at Bianca Umali

HANDA na nga bang tuparin ng Kapuso Action Hero na si Ruru Madrid ang pangako niyang kasal sa kanyang girlfriend na si Bianca Umali?

Iyan ang tanong ngayonng mga fans nina Ruru at Bianca dahil sa naging dialogue ng Kapuso actress sa nakaraang episode ng “KalokaLike” segment ng “It’s Showtime”.

Isa si Bianca sa naging guest judge sa “KalokaLike: Face 4” kung saan game na game siyang nakipagkulitan sa contestant na si Kevin na nag-impersonate sa dyowa niyang si Ruru.

Baka Bet Mo: Brenda Mage natupad na ang pangako sa ama; nakapagpatayo ng bahay para sa pamilya damay pati 2 kapatid at lola

Sa pakikipagchikahan ni Bianca sa KalokaLike ng kanyang dyowa ay humirit siya ng, “Nagsabi ka sa ‘kin papakasalan mo ako.”

Hiyawan naman ang mga hosts ng Kapamilya at Kapuso noontime show sa sinabi ni Bianca kasunod ng tuksuhan.

Sa isang event naman na pinuntahan ni Ruru ay na-interview siya ng “24 Oras” at natanong tungkol sa “pangakong” kasal daw niya kay Bianca.

Napangiti muna ang binata sabay sabing, “Simula naman nu’ng unang beses kong nakasama’t nakilala si Bianca, pinangakuan ko na siya agad. Hanggang pangako lang muna tayo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


At nang sundutin ng tanong kung kailan nga ba mangyayari ang promise niyang kasal kay Bianca, sagot  ni Ruru, “Malalaman natin ‘yan sa susunod na kabanata.”

Baka Bet Mo: Ruru, Bianca tanggapin kaya ang offer na maging host sa ‘bagong Eat Bulaga’ kahit wala na sina Tito, Vic & Joey?

Six years nang magkarelasyon sina Bianca at Ruru, at palagi nilang sinasabi sa mga interview na natagpuan na nila ang kanilang “the one” at “forever” sa isa’t isa at looking forward din sila sa kanilang magiging future together.

“Akala ko dati hindi totoo ‘yun. Pero noong dumating siya sa buhay ko, nakaramdam ako ng spark.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ko ’yun naisip dati but ngayon, sobrang proud ako na ipagmalaki na ‘yun ‘yung nararamdaman ko para sa kanya,” sey ni Ruru sa panayam noon ng “Fast Talk with Boy Abunda.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending