Boobsie buking ni Willie; naging 'starlet' as Mystica Suarez

Lihim ni Boobsie buking ni Willie, naging ‘starlet’ bilang Mystica Suarez

Ervin Santiago - September 03, 2024 - 11:26 AM

Lihim ni Boobsie buking ni Willie, naging 'starlet' bilang Mystica Suarez

Boobsie Wonderland at Willie Revillame

KNOWS n’yo ba na dati palang sexy star ang komedyana at co-host ni Willie Revillame sa “Wil To Win” na si Boobsie Wonderland?

Iyan ang na-reveal sa nakaraang episode ng programa ni Kuya Wil sa TV5 kung saan inamin nga ni Boobsie na nagpaseksi rin siya noong kabataan niya sa ilang projects.

Kitang-kita ang pagkabigla ng komedyana nang tanungin siya ni Kuya Wil sa live episode ng “Wil To Win” kahapon, September 2 tungkol dito. Halatang hindi niya inaasahan ang question ng TV host.

“Meron lang ako itatanong, kilala mo ba si Mystica Suarez?”

Gulat na balik-tanong ni Boobsie kay Kuya Wil, “Bakit?”

Baka Bet Mo: Angelica rumesbak sa basher na nagsabi sa kanya ng, ‘Isang starlet na naman po ang nag-iingay’

“Kasi, napag-alaman ko po na yung Mystica Suarez na yon, dati siyang sexy star. Wala siya sa Facebook, wala siya sa YouTube. Siguro hiyang-hiya talaga siya.


“Kasi si Mystica Suarez po, may nagbigay sa akin ng tip, ‘Kilala mo ba kung sino ang nakakasama mo sa show? Willie, alamin mo muna kung sino ang mga yan.’

“‘Bakit?’ ‘Si Mystica Suarez, sexy star yan, bold star yan, si Boobsie yan!’” ang pambubuking ni Willie sa kanyang co-host.

Shocked na tugon ni Boobsie, “Kuya, sinong nagkuwento sa yo niyan? Ano ba naman yan!”

“Totoo ba yan? Sexy star ka dati?” usisa uli ni Kuya Wil kay Boobsie.

Paliwanag ng stand-up comedian, “Nu’ng araw po kasi, Japayuki ako. Showgirl ako noong araw. Fourteen years old pa lang ako, nagdya-Japan na ako kaya mukha akong Haponesa. Nu’ng naghirap ako, ganito na ang mukha ko!

“Ang totoo po niyan, starlet po ako noong araw. Kasama ko po sina Camille Roxas, Aya Medel, Ursula Vasquez…ako po yung lumalaban sa mga exhibition show. Tuma-tumbling po ako sa ere, umi-split.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin umalma sa pagtawag ng ‘starlet’ kay Angelica Panganiban

“Halimbawa, nakatayo ako sa speaker, tatalon ako na naka-split,” rebelasyon ni Boobsie.

“Ganu’n?” sey ni Willie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by boobsie (@boobsiewonderland18)


“Oo, Kuya, kung nakilala lang sana kita noon, e, di maayos na sana ang buhay ko ngayon,” birong sabi ni Boobsie.

“Nagulat ako, hindi ko alam na sexy dancer ka pala dati,” reaksyon pa ni Willie.

“Starlet po, not sexy dancer,” pagkokorek ni Boobsie kay Kuya Wil. “Ano ba yung starlet?” balik-tanong ni Willie.

“Ako po yung reyna. Ako yung inaabangan ng manonood. Nakalagay sa labas, ‘Our starlet for tonight… fantastic!’ At saka iba po yung starlet nu’ng araw. Inilalaban sa iba-ibang lugar. Taga-Bulacan po ako, so inilaban ako sa Quezon City.

Patuloy ng magaling na komedyana, “Alam mo ba, Kuya, noong nag-Dubai ako noong araw, may lumapit sa akin na babae, shala. Sabi niya, ‘Ikaw ba si Mystica Suarez, kasi kamukhang-kamukha mo yung best friend ko.’

“Boobsie na ako noon. Sabi ko, ‘Sino ‘yun?’ Siyempre yung mga nakaraan natin, kahit anong tago natin, lalabas at lalabas. Makikilala talaga tayo nu’ng mga taong nakakakilala sa atin.

“Kaya nagulat talaga ako, Kuya, pati ba mga ganoong bagay, nalalaman mo pa? Pinakatagu-tago ko na nga,” sabi ni Boobsie.

Sabi naman ni Kuya Wil, “Gaganyan-ganyan po si Boobsie. Di ba, nag-GMA ako? Isinama ko siya, kasama niya sina Tekla, Hipon (Herlene Budol), saka si Donita (Nose).

“Siya yung laging nagte-text sa akin, ‘Kuya, may dala ako sa yong pagkain.’ itong tao na ito, palagi kong napapagalitan, kasi starlet talaga ang dating. Salita nang salita, kung anu-ano ang mga sinasabi, pero mahal ko ito.

“Alam n’yo kung bakit? After ng Wil To Win, kakain siya sandali para samahan lang kami, samahan ako. Bigla siyang nagmamadaling umuwi.

“Bakit? Kakanta pa siya, magpe-perform pa siya sa Klownz, sa Hideout, kaya umuuwi ito, madaling-araw na.

“Ibig kong sabihin, yung hardworking na tao na to, yan siya. Sa harap ng kamera, nakikita ninyo siya na patawa nang patawa, tawa tayo nang tawa, napapagalitan ko.

“Pero ang totoong istorya ng buhay nito, pag-uwi niya, mandoon sa Klownz, uuwi ng madaling-araw para sa kanyang mga mahal sa buhay, sa nanay niya, sa mga kapatid niya,” ang proud na sabi pa ni Kuya Wil patungkol kay Boobsie.

In fairness, isa si Boobsie sa mga favorite naming komedyante dahil hindi niya kailangang manlait para lang makapagpatawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang palagi niyang ginagawang katatawanan ay ang kanyang sarili at ang mga nakakalokang karanasan niya sa buhay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending