Angelica rumesbak sa basher na nagsabi sa kanya ng, 'Isang starlet na naman po ang nag-iingay' | Bandera

Angelica rumesbak sa basher na nagsabi sa kanya ng, ‘Isang starlet na naman po ang nag-iingay’

Ervin Santiago - February 14, 2022 - 11:41 AM

Angelica Panganiban

TINAWAG na “starlet” ng isang basher ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban matapos mag-viral ang kanyang video patungkol sa wais na pagboto sa gaganaping national elections sa Mayo.

Walang patumanggang nilait ng nasabing netizen ang dalaga sa ni-repost na public service video ng kaibigan niyang direktor na si Andoy Ranay sa kanyang Twitter account.

Ito yung video kung saan pinaaalalahan ni Angelica ang sambayanang Filipino na maging mag-ingat sa mga mapagsamantala ngayong panahon na ng kampanya.

Sandamakmak na raw kasi ang mga sinungaling sa paligid na nakuha pang mambudol ng mga inosenteng mamamayan sa gitna ng pandemya.

Actually, pangalawang video na ito ni Angelica na follow-up nga sa nauna niyang political awareness video na mula pa rin sa Young Public Servants, isang non-profit youth group for good governance.

Nang mapanood ito ng isang Twitter user na may handle name na @SunWiLd01 ni-repost din niya ito at tinag pa si Angelica.

“Isang starlet Nanaman po Ang nag iingay @angelica_114 (laughing emojis),” ang pang-aasar ng hater sa Kapamilya star.

Hindi naman ito pinalampas ni Angelica at sinagot kahapon, Feb. 13, ang pangnenega ng basher. Tweet ni Angelica, “Pero affected ka sa ingay nang isang starlet? Salamat kung ganoin. (heart emoji).”

View this post on Instagram

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


Kung may mga nam-bash kay Angelica, meron din namang kumampi sa kanya at nagpahayag ng suporta sa ipinaglalaban nila para sa darating na eleksyon.

Isang netizen pa nga ang nagpasalamat kay Angge dahil sa paggamit niya sa kanyang mga platform “for the good of the country.”

Reply ng dalaga sa kany, “Importante po kasi ang social responsibility (smiling emoji).”

Narito ang nag-viral na warning ni Angelica sa lahat ng botante, “Pag may history ng pambubudol, never again, never forget tayo.

“Ang daming mambubudol. Naglipana na sila. Mga beh, wag na tayo magpauto! Walang kem bek kem bek dito! #WagMagpapabudol.”

https://bandera.inquirer.net/304820/cristy-fermin-umalma-sa-pagtawag-na-starlet-kay-angelica-panganiban

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/300253/angelica-sa-mga-babaeng-iniwan-mahalin-ang-sarili-at-dapat-alam-nyo-ang-mga-karapatan-nyo
https://bandera.inquirer.net/305565/true-ba-angelica-biglang-nagkasakit-kaya-pinalitan-ni-pia-sa-my-papa-pi-ni-piolo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending