Cristy Fermin umalma sa pagtawag ng 'starlet' kay Angelica Panganiban | Bandera

Cristy Fermin umalma sa pagtawag ng ‘starlet’ kay Angelica Panganiban

Therese Arceo - February 04, 2022 - 08:39 PM

Cristy Fermin umalma sa pagtawag na 'starlet' kay Angelica Panganiban

DINEPENSAHAN ng kolumnistang si Cristy Fermin laban sa mga bashers ang aktres na si Angelica Panganiban.

Sa kanilang show na “Cristy Ferminute” kasama ang kanyang partner na si Romel Chika ay napag-usapan nila ang aktres.

Inulan kasi ng batikos si Angelica matapos nang mag-viral ang kanyang advocacy ad in collaboration with Young Public Servants kung saan matapang niyang hinikayat ang publiko para maging mapanuri sa ibobotong kandidato sa darating na eleksyon.

“Ang tindi po ng mga salitang kinakapit at ibinabato ngayon laban kay Angelica Panganiban. Ang dami pong mga salitang na kung nakasusugat po sa ating katawan e baka punum-puno na siya ng sugar ngayon.

“Katulad ‘yung laos na raw siya kaya siya nagkakaganyan, di ba? Ang mga laos, sabi nila, nagpapopansin para maging relevant sila kasi wala na siya sa gitna ng aksyon,” saad ni ‘Nay Cristy.

Aniya, kilalang kilala ang aktres sa kanyang hugot kaya nga maski ang mga ex nito ay hindi na siya sinasagot kapg pinatatamaan ng dalaga dahil nadala na raw ang mga ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

May mga komento pa raw na kaya wala raw nagtatagal kay Angelica dahil magaling itong humusga, ayon sa mga nabasa ni Romel Chika.

Dagdag pa ni ‘Nay Cristy, ang pinakamalalang ibinabato ngayon sa aktres ay ang pagtawag sa kanyang “starlet” na nagpapapansin.

“Ako naman, hindi ako sang-ayon na tawaging starlet si Angelica Panganiban. Ang dami na rin naman niyang nagawang pelikula na talgang naghakot rin ng pera para sa kanyang produksyon,” sey ni ‘Nay Cristy.

Bata pa lamang daw sila noon ng kaibigan nitong si Camille Prats ay talaga namang magaling na itong umarte at marami rin siyang pelikula na tumatak at nagkaroon pa ng award.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Giit ni ‘Nay Cristy, “Kaya huwag naman po nating tawaging ‘starlet’ ang isang tao na nangarap, magsikap, at nagtagumpay. Hindi ako payag don.”

Malamang raw ay ang mga taong bumabatikos sa kanya ay ang mga nasagasaan o naapektuhan sa kaniyang advocacy ad.

Related Chika:
Angelica sa mga babaeng iniwan: Mahalin ang sarili at dapat alam n’yo ang mga karapatan n’yo
Angelica paninindigan ang ‘pagre-retire’ sa teleserye, magbabago lang ang desisyon kung…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending