AJ Raval nagpaseksi sa 'Pornstar' kahit kontra ang amang si Jeric: Alam kong magagalit siya sa 'kin

AJ Raval nagpaseksi sa ‘Pornstar’ kahit kontra ang amang si Jeric: Alam kong magagalit siya sa ‘kin

Ervin Santiago |January 14,2021
share this

AJ Raval nagpaseksi sa ‘Pornstar’ kahit kontra ang amang si Jeric: Alam kong magagalit siya sa ‘kin

Ervin Santiago | January 14,2021 - 09:31 AM

SIGURADONG magagalit ang dating action star na si Jeric Raval sa ginawang pagpapaseksi ng anak na si AJ Raval sa pelikulang “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging #Pornstar”.

Inamin kasi ni AJ na hindi alam ng kanyang tatay ang mga pinaggagawa niya sa nasabing pelikula na pinagbibidahan ng mga dating hubadera na sina Rosanna Roces, Maui Taylor, Ara Mina at Alma Moreno.

Sa ginanap na virtual presscon ng pelikula kahapon, sinabi ng dalaga na kontra si Jeric sa pagpapaseksi niya kaya hindi niya sinabi sa aktor na tinanggap niya ang “Pornstar” kung saan nagpakita nga siya ng katawan.

Ayon kay AJ, naniniwala siyang nasa tamang edad na siya para magdesisyon sa kung anong nais niyang gawin sa kanyang buhay at career. Feeling daw kasi niya, wala naman siyang ginagawang masama.

“To be honest po, never siyang naging supportive sa pagpapaseksi ko. Nasa edad na rin po ako. Meron na rin po akong sariling desisyon,” simulang pahayag ng sexy actress.

Sa sumunod niyang pahayag, tila meron siyang hugot sa relasyon nila ngayon ng ama, “Hindi (niya ako) kinakausap. Pinapabayaan niya lang din po ako.

“Ito pong movie, hindi pa po niya alam na ginawa ko. Nagseksi po, pero ine-expect ko na rin po ang reaksiyon niya na magagalit siya sa akin,” pag-amin ni AJ.

Sey pa ng dalaga, tinanggap din niya ang nasabing sexy-drama-comedy movie dahil gusto niyang makatrabaho ang mga iconic sex goddesses ng Philippine cinema na sina Alma, Osang, Maui at Ara.

Sa mga nangnenega namang bashers sa kanya, deadma lang daw si AJ, “Kasi kung iisipin ko po ’yon, ako lang din ang talo. Saka kung meron man may ayaw sa ginagawa ko, there are people naman who like me din. Doon nalang po ako magpo-pokus.”

In fairness, trailer pa lang ng “Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar” undee Viva Films at VinCentiments ay bentang-benta na sa madlang pipol matapos itong makakuha ng milyun-milyong views sa loob lang ng ilang araw.

Mapapanood ito exclusively sa Vivamax, ang subscription video-on-demand streaming service ng Viva Communications simula sa Jan. 29, sa halagang P149.

Mag-subscribe lang sa VivaMax, ang pinakamalaking library ng mga pelikulang Pinoy, teleserye, concerts at mga orihinal na produksyon.  Bumisita sa www.vivamax.net at sumali na! Atin’to!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending