Maarteng female star nawalan ng project dahil lumaki na ang ulo

Maarteng female star nawalan ng project dahil lumaki na ang ulo

Reggee Bonoan - September 02, 2024 - 12:18 PM

Maarteng female star nawalan ng project dahil lumaki na ang ulo

MUKHANG isang project lang talaga ang plano ng TV network sa kilalang aktres na balitang lumaki na ang ulo.

“Oo, isang project na lang, dapat may kasunod pa, eh. E, ang daming dahilan kesyo aalis ng bansa, kesyo may ibang gagawin iyon pala nagpapataas lang ng talent fee.

“Sa totoo lang ang taas na ng TF niya for a series, huh?” tsika ng aming source.

Pagkatapos daw ng project ng aktres ay hindi na siya tinawagan pa kaya’t nakatanggap daw ang management ng network kung may next project pa at sinabi nga na wala na.

Nagulat daw ang aktres at tinanong ‘yung dating inilatag sa kanya kasabay ng project na nauna na niyang gawin.

Baka Bet Mo: Dimples inaatake ng severe anxiety: Ang daming nagtatanong kung lumaki na raw ilong ko o kung nag-iba na ang face ko

“Oo, kasi two projects dapat ‘yun, e, sa una palang naging problema na siya, e, ayaw ng management ng ganu’n, kung baga wala na silang panahong mag-entertain pa ng demands, in the first place hindi rin naman siya ang bida,” kuwento ng aming source.

Sa kasalukuyan ay tila “ngangey” ang aktres dahil wala kaming alam na next project niya mapa-pelikula o TV series.

Dagdag pa ng aming source, “Ang layo-layo niya kay ____ (supporting actress) sobrang down to earth, e, halos magkasabayan lang naman sila.”

Bigla tuloy naming naalala ang kuwento ng supporting actress na inireklamo rin ang aktres sa kanya ng ibang producers na naka-work niya sa isang international project.

Ibig sabihin talagang pasaway ang aktres na bida sa ating blind item kaya siguradong nagsisisi na siya sa pagkawala ng projects niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending