Carlos Yulo payag lumabas sa 'Batang Quiapo'

Carlos Yulo payag lumabas sa ‘Batang Quiapo’, bet si Luis sa biopic

Ervin Santiago - September 01, 2024 - 03:36 PM

Carlos Yulo payag lumabas sa 'Batang Quiapo', bet si Luis sa biopic

GAME na game ang 2-time Olympic gold medalist at Filipino gymnast na si Carlos Yulo na mag-guest sa Kapamilya action-drama series na “FPJ’s Batang Quiapo.”

Kapag daw inimbitahan siya ng lead star at direktor ng serye na si Coco Martin na magkaroon ng special appearance sa “Batang Quiapo” ay papayag siya kahit wala pa siyang experience sa aktingan.

Nakachikahan ng ilang members ng media si Carlos sa presscon para sa kanyang endorsement na DigiPlus at Arena Plus kung saan personal din niyang tinanggap ang P5 million reward para sa dalawang gintong medalya na naiuwi niya sa Pilipinas mula sa 2024 Paris Olympics.

Isa nga sa mga naitanong kay Caloy ay kung payag daw siya kung sakaling magkaroon siya ng guest appearance sa “FPJ’s Batang Quiapo.”

“Kung iimbitahan po ako ni Sir Coco Martin sa ‘Batang Quiapo’ kahit isang shooting day lang, papayag ako.

Baka Bet Mo: GF ni Carlos Yulo na si Chloe ayaw mag-artista: ‘No showbiz for me po’

“Game na game po ako. Bahala na po si Direk Coco kung ano ‘yong magiging role ko,” nakangiting sagot ni Carlos.

Kamakailan ay nagkaroon ng chance na magkita at magkaharap sina Coco at Caloy sa ABS-CBN building matapos ang ginawang TV guestings sa Kapamilya Network

Kung gagawin naman daw ng pelikula ang kanyang life story, sinong artista ang gusto niyang gumanap sa kanyang karakter?

Nag-isip muna si Caloy sandali at halatang nahirapang sagutin ang tanong kaya ang hirit ng binata ay, “Si Kuya Luis na lang po!” Na ang tinutukoy ay ang Kapamilya TV host na si Luis Manzano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero sey ni Carlos, wala pa raw siyang maisip sa ngayon kung sino ang nais niyang bumida sa kanyang biopic dahil hindi rin siya mahilig manood ng mga programa sa TV.

Mas naka-focus daw kasi talaga siya sa  kanyang training at iba pang activities bilang atleta.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending