GF ni Carlos Yulo na si Chloe ayaw mag-artista: ‘No showbiz for me po’
TALIWAS sa kumakalat na chika, si Chloe San Jose, ang girlfriend ng two-time Olympic champion na si Carlos Yulo, na mismo ang nagsabi na ayaw niyang mag-artista.
Ito ay matapos siyang ma-ambush interview ng ilang entertainment press sa isang event sa BGC.
Isa sa naitanong sa kanya ay kung may plano nga ba siyang pasukin ang showbiz industry.
Ang diretsang sagot niya, “No. No, showbiz for me po. I’ll keep creating content lang po.”
Nang usisain naman siya kung ang dyowa niyang Olympic champion ang tutol sa pag-aartista niya.
Baka Bet Mo: Eldrew Yulo kay Chloe San Jose: ‘Kumbinsihin mo si Kuya na mag-sorry’
Nilinaw ni Chloe na walang kinalaman si Carlos sa kanyang desisyon dahil very supportive sa kanya ang boyfriend.
“Ah no naman po, wala naman pong ano si Caloy. He’s very supportive po,” sambit niya.
Sa huli, hiningan na lamang siya ng advice para sa content creators na ang mensahe niya ay: “Just keep on being authentic.”
Kamakailan lang, may kumalat na chika sa social media tungkol kay Chloe pero wala pang kumpirmasyon kung ito ay totoo o fake news.
Ang sabi kasi sa Facebook page ng Glitter Channel, interesado ang isang Vivamax director na kuhaing bida si Chloe sa gagawin nitong bagong proyekto.
“Chloe San Jose ‘The Future Vivamax Star’,” saad sa video caption.
Lahad pa, “Chloe offered by Vivamax director to star as a lead in a sexy drama film.”
May nabasa rin kaming artikulo na nakitaan daw ng potensyal ng naturang direktor si Chloe na maging next “Vivamax Queen.”
Bukod diyan, naging usap-usapan din ‘yung balita na pumirma na ng kontrata ang content creator sa isang artist agency.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.