Carlos super in love kay Chloe: Grabe! Napakaganda mo mahal ko

Carlos Yulo super in love kay Chloe: Grabe! Napakaganda mo mahal ko!

Ervin Santiago - August 22, 2024 - 04:38 PM

Carlos Yulo kay Chloe San Jose: Grabe! Napakaganda mo mahal ko!

Carlos Yulo at Chloe San Jose

IBINANDERA muli ni 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo ang pagmamahal sa kanyang content creator na girlfriend na si Chloe San Jose.

Sa gitna ng natatanggap na mga mean comments at hate messages mula sa mga bashers, mukhang hindi naman dito apektado ang kontrobersyal na magdyowa.

In fairness, meron din namang mga taong natutuwa at kinikilig kina Carlos at Chloe na enjoy na enjoy ngayon sa piling ng isa’t isa.

Baka Bet Mo: GF ni Carlos na si Chloe tumanggi sa interview: Ay, sorry! Wag na!

Base sa mga napapanood naming video ng magkarelasyon sa TikTok, talagang mukha silang “unbothered” sa lahat ng pangnenega at pamba-bash sa kanila, lalo na yung mga kumakampi sa pamilya ni Carlos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa katunayan, para pa ngang nang-uurot ang magdyowa sa mga ipino-post nilang mga litrato at video sa social media, kabilang na ang mga sweet moments nila sa TikTok.

Nito lamang nakaraang araw, nag-post si Chloe sa Facebook ng mga litrato kung saan makikita ang bagong kulay ng kanyang buhok. Aniya sa caption, “Goldilocks out, milktea in.”

Maraming pumuri sa ganda ng new hair color ni Chloe kabilang na siyempre ang kanyang boyfriend na si Carlos na isa na ngayong multimillionaire dahil sa dami ng natanggap na reward at incentives after makapag-uwi ng dalawang medalyang ginto sa Paris Olympics.

Baka Bet Mo: Chloe nagplano ng dinner kasama ang pamilya ni Carlos Yulo, pero anyare?

Kung hindi kami nagkakamali, umabot na sa mahigit P100 million ang nakuha at makukuha pang reward ng binatang atleta dahil sa naibigay na karangalan sa Pilipinas.

Comment ni Carlos, “Grabe napaka ganda mo mahal ko (smiling face with heart-eyes emojis).”


Sumagot naman si Chloe sa pamamagitan ng isang animated GIF na may nakasulat na, “I LOVE YOU FOREVER.”

Samantala, may isa namang nambasag sa post ni Chloe about her hair. Pagtataray nito sa dyowa ni Carlos, “Oi napalitan n buhok ni android 18, katas ng gold ni carlos yan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinatulan naman siya ni Chloe at sumagot ng, “Gurllll i’ve been getting my hair done since 2020, what are you on? you must be new here, stalk my ig and stay tuned. love love loveee.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending