Vice walang intensyong dedmahin ang feelings ni Carlos Yulo

Vice Ganda walang intensyong dedmahin ang feelings ni Carlos Yulo

Therese Arceo - August 21, 2024 - 06:35 PM

Vice Ganda walang intensyong dedmahin ang feelings ni Carlos Yulo

NILINAW ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na wala siyang intensyon na ma-invalidate o isawalang bahala ang pakiramdam ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Marami kasi ang bumatikos sa “It’s Showtime” host matapos ang kanyang naging pahayag sa episode ng “EXpecially For You” nitong Martes, August 21.

Tulad kasi ni Carlos, mayroong problema sa pamilya ang searcher at dahil doon ay nagbigay ng kanyang opinyon si Vice Ganda patungkol sa pinagdaraanan at kung ano ang maaaring gawin ng searcher sa hidwaan nilang pamilya.

“Mahirap yung hindi ka ok sa family mo, napaka hirap nyan. Mas mahirap pa yan kesa makakuha ng GOLD sa OLYMPICS,” ito ang sinabi ng “It’s Showtime” host na nag-trigger sa madlang pipol.

Baka Bet Mo: Vice Ganda proud na proud kay Ana Ramsey: Ang galing-galing mo

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kahit ang kanyang mga tagasuporta ay hindi napigilang i-call out siya dahil para sa kanila ay hindi tama ang nasabi nito lalo na at may mga manonood rin na maaaring nasa ganoong sitwasyon.

Sey ng isa sa kanyang followers, “Sorry Meme Vice but hindi ako agree sa’yo this time. not every kid have a good relationship and supportive family, kung ikaw meron kang magandang relasyon sa mga magulang mo then good for you but don’t blame or invalidate someone.

“na i-cut off yung relationship nila with their fam or starting to ignore their family cuz we don’t know kung ano pinagdaanan nila with their family. very sad because this is timely and you literally throwing shade with carlos yulo.”

Sagot naman ni Vice, “Yes ur right. Kaya nga may part ng episode na yan na sinabi ko din na di mo masisisi ang iba na umalis dhil un ang paraan nila para makasurvive. Un ang paraan nila para maituloy nila ang buhay nila dahil ung pananatili nila sa bahay na un ay maaari nilang ikamatay o ikasama nila.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa isa pang reply ay sinabi niya na putol ang nasa video at may iba pa siyang sinabi na tila hindi na napansin dahil nag-focus ito sa sinabi niyang naputol.

“True. Though gets ko naman ung mga point nila. At tama din sila. Pero sana napanuod din nila at di nila ininvalidate ung iba ko pang sinabi sa isang buong episode,” sey ni Vice Ganda.

Nilinaw rin niya na wala siyang kinakampihan at mas nais niyang i-celebrate ang pagkapanalo ni Carlos kesa ang makisawsaw sa isyu ng pamilya nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending