Carlos Yulo inatake ng depresyon, gusto nang mawala noon

Carlos Yulo inatake rin ng depresyon, gusto nang mawala sa mundo noon

Ervin Santiago - August 31, 2024 - 06:08 PM

Carlos Yulo inatake rin ng depresyon, gusto nang mawala sa mundo noon

Trigger Warning: Mention of depression

MATITINDING pagsubok ang pinagdaanan ng 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo bago niya naabot ang tagumpay na inaasam.

Hindi naging madali para sa Pinoy champ na makarating sa kinaroroonan niya ngayon lalo na noong nagsisimula pa lamang siyang mangarap na maging kampong.

Humarap si Carlos sa ilang miyembro ng media, kasama ang BANDERA, ngayong araw para pormal na tanggapin ang “Astig Hero Bonus” na P5 million mula sa DigiPlus at Arena Plus para sa dalawang gintong naiuwi niya sa Pilipinas mula sa 2024 Paris Olympics.

Bukod dito, muli siyang pumirma ng kontrata bilang celebrity ambassador ng Arena Plus na todo na ang suportang ibinibigay sa batambatang Pinoy champ mula noon hanggang ngayon.

Baka Bet Mo: Carlos Yulo na-starstruck nang makita si Coco Martin: Pa-picture?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

During the presscon, isa sa mga naitanong kay Caloy ay kung anu-ano ang mga extra challenge na hinding-hindi niya makakalimutan sa journey niya bilang gymnast.

Nabanggit ng binata ang pagsabak niya sa training noong 2016 sa bansang Japan kung saan nakaranas siya ng matinding anxiety.

“Nu’ng pumunta ako sa Japan, 2016, 16 years old po ako, malayo sa pamilya, malayo sa lahat. Walang kakilala, hindi alam yung culture at hindi alam yung language and hindi rin naman ako kagaling mag-English that time.

“And kahit marunong akong mag-English, hindi rin naman sila marunong mag-English. So, yung barrier na po na yun ako nahirapan and sobrang shock po ako,” simulang pagbabahagi ni Carlos.

Patuloy pa niya, “Mabigat po yun para sa mga teenager na kagaya ko that time. And siyempre, mahirap din po yung training, iba po yung training sa Pilipinas and ibang-iba rin po yung sa Japan.

“Umabot na rin po sa point na na-depress ako and gusto nang mawala sa mundo. And ang ginawa ko nagdasal po ako talaga that day. And hindi rin kasi ako makatulog.

“And naisip ko na mawala na talaga. Nagdasal ako kay Lord hanggang sa nakatulog ako. The next day medyo okay na po, pero hindi pa rin po natatapos yung challenges.

“Nandoon pa rin yung mga diffuculties, hindi talaga maiwasan pero may clarity na po after kong mag-pray and when I wake up po, mas lively na ko nang konti. Yun po, yun po yung pinakapinanghawakan ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Every time na nalulungkot ako, nagpe-pray po talaga ‘ko,” ang tuluy-tuloy na pagbabahagi ni Carlos.

Super thankful and grateful daw si Carlos sa Panginoong Diyos at sa lahat ng taong patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya dahil napagtagumpayan niya ang lahat ng challenges na pinagdaanan niya.

Samantala, proud na proud si DigiPlus chairman Eusebio H. Tanco sa natamong tagumpay ng batang atleta, “Carlos Yulo truly embodies the ‘astig’ Pinoy spirit. We couldn’t be [more proud] of how he has represented both our country and DigiPlus. Our warmest congratulations to him!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending