Carlos Yulo na-starstruck nang makita si Coco Martin: Pa-picture?

Carlos Yulo na-starstruck nang makita si Coco Martin: Pa-picture?

Therese Arceo - August 28, 2024 - 04:49 PM

Carlos Yulo nastarstruck nang makita si Coco Martin

Coco Martin at Carlos Yulo | ABS-CBN News

HINDI napigilan ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo ang ilabas ang pagiging fan nang makita ang Kapamilya actor-director na si Coco Martin.

Nitong Martes, August 27, dumalaw ang atleta sa ABS-CBN at talaga namang bongga ang naging oag-welcome sa kanya ng mga Kapamilya.

Agad ngang dumiretso sa news room ng ABS-CBN si Carlos kung saan nagkaroon siya ng interview.

Kasama ni Caloy sa kanyang pagdalaw sa Kapamilya compound para sa mga TV guestings ang presidente ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) na si Cynthia Carrion.

Baka Bet Mo: Vice Ganda walang intensyong dedmahin ang feelings ni Carlos Yulo

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Mainit rin ang pagsalubong sa kanya ng mga big boss ng Kapamilya network na sina ABS-CBN Chairman Mark Lopez, ABS-CBN CEO and President Carlo Katigbak, at ABS-CBN COO for Broadcast Cory Vidanes.

Ngunit tila ang pinaka-highlight ng kanyang pagdalaw at ang kanilang pagkikita ng “FPJ’s Batang Quiapo” actor na si Coco Martin.

“Puwede pa-picture po?” tanong ni Carlos sa aktor.

Agad namang pumayag si Coco sa request sa kanya ng atleta.

Hindi naman mapigilan ng mga netizens ang humirit na sana ay magkaroon rin ng guesting si Carlos sa “Batang Quiapo”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang hindi na rin naman bago ang mga ganitong requests mula sa netizens dahil ilang beses na rin napaunlakan ang mga sigaw ng madlang pipol kay Coco kahit noong ginagawa pa lang nito ang “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Kung sakaling matuloy, ano kaya ang magandang role na gampanan ni Carlos sa action-drama series at ito na rin kaya ang maging daan para pasukin niya ang pag-aartista? Abangan natin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending