Carlos Yulo binigyan ng lifetime free interior design service

Carlos Yulo binigyan ng lifetime free interior design service

Ervin Santiago - August 29, 2024 - 12:05 AM

Carlos Yulo binigyan ng lifetime free interior design service

Carlos Yulo, Roy Patrick Javier at Jullienne Iris Taguinod

ANG pagkapanalo ni 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Edriel Poquiz Yulo mula sa floor exercise at vault events ay isa na namang dream come true para sa mga Pilipino.

Ang karangalang dala ni Carlos para sa Pilipinas ay kinilala ng gobyerno, ng iba’t ibang malalaking kumpanya at mga bigating personalidad kabilang na ang pangulo ng bansa na si President Ferdinand Marcos, Jr..

Dahil dito, umabot sa milyun-milyong halaga ng cash incentives, sasakyan,  properties at iba pang lifetime priveleges ang natanggap ng Pinoy champ.

Baka Bet Mo: Jessy pinagalitan ng mga netizens dahil sa pagwo-workout: Paano ka magkaka-baby niyan?

Bukod dito, kinikilala rin ng Mod and Noble Design Studio ang mga nagawa ni Carlos kaya naman ang kilalang interior design and construction company ay magbibigay din ng free lifetime services   sa nasabing atleta.

Ang Mod and Noble team ay handang magbigay ng libreng serbisyo upang magkaroon ng mas stylish and  comfortable design ang living space ni Carlos at i-customize din ito ayon sa kanyang taste and preference.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by FIG Gymnastics (@figymnastics)


Bilang mga kilalang interior designers, balak ng Mod and Noble na i-personalize ang living space ni Carlos at gawin itong reflection ng kanyang extraordinary journey bilang gold medalist at siyempre  ng kanyang very colorful personality.

Ang Mod and Noble Design Studio ay nagsimula sa pagdi-design at paggawa ng mga classic furniture. Lumaki  ito at naging  isang ganap na interior at architectural design enterprise.

Ang team ng interior design and architectural company ay very energetic and passionate sa kanilang business journey at layunin nilang gumawa ng  pangmatagalang pamana, isang patunay sa artistikong kahusayan ng koponan sa loob ng mga dingding ng mga residential at commercial buildings.

Nagsimula ang kumpanya mula sa isang ideya lamang sa isang college school sa Manila. During that time, dalawang magkaklase ang naging magkatrabaho  sa isang company, inipon ang kanilang mga naiisip at pinag-usapan kung paano simulan ang kanilang sariling interior design company.

Ito ay isang pangarap lamang na nagkaroon ng katuparan para kina IDr. Jullienne Iris Taguinod at IDr. Roy Patrick Javier.

Ang pangalan na Mod and Noble ay nagmula sa kanilang French interior inspiration bilang interior design company. Galing ito sa katagang French nobility at isang bagay na modern.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May ilang celebrity clients na rin sila tulad nina Korina Sanchez, Louie Heredia at David Chua.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending