Jessy pinagalitan ng mga netizens dahil sa pagwo-workout: Paano ka magkaka-baby niyan? Bandera

Jessy pinagalitan ng mga netizens dahil sa pagwo-workout: Paano ka magkaka-baby niyan?

Ervin Santiago |January 18,2022
share this

Jessy pinagalitan ng mga netizens dahil sa pagwo-workout: Paano ka magkaka-baby niyan?

Ervin Santiago January 18, 2022 - 02:21 PM

Jessy Mendiola at Luis Manzano

NAKIPAGSAGUTAN si Jessy Mendiola sa ilang netizens na nakikialam at kumukuwestiyon sa ginagawa niyang pagwo-workout.

Pinagalitan kasi ang aktres ng mga nakapanood sa kanyang workout video — paano raw siya mabubuntis kung puro pag-e-exercise ang kanyang inaatupag. 

May mga nagkomento naman na baka raw hindi na sila magkaanak ni Luis Manzano sa mga pinaggagawa niya na maaaring pagsisihan niya nang bonggang-bongga.

Komento ng isa niyang social media follower sa kanyang workout video, “Pano ka mgkaka baby nian if you always exercise.”

Mensahe sa kanya ng misis ni Luis, “So kung nag-e-exercise, hindi magkaka baby? Paki explain.”

Sumagot naman ang isang netizen at sinabing baka raw may nabubuo nang baby sa kanyang sinapupunan na hindi na ma-develop dahil sa kawo-workout niya.

“Kasi kung minsan hindi alam ng babae na nagsisimula na palang mabuo ang sperm cell ng 2 at sa pag exercise nawala dahil naghihiwalay at nalalaglag sa pag exercise ng mabibigat. yung simple lang na exercise ok na,” paliwanag ng netizen.

Ito ang naging tugon ni Jessy sa kanya, “Hindi mabigat yang binubuhat ko. 5lbs lang yan.”

Kasunod nito, tila nabwisit na ang netizen kay Jessy, “Kahit na. kelangan kung gusto mong mabuntis simpleng mga exercise Lang Gawin mo. its an advice na naexperience ko. advice na parang magilang Lang.”

Sabi naman ng wifey ni Luis, hindi naman pare-pareho ang katawan at health condition ng mga tao, “Iba iba lahat tayo. Hindi ibig sabihin na it works for you eh ganon na din sa iba.”


Base sa isang health website, ang regular na pag-e-exercise ay nakatutulong para mas mabilis na mabuntis ang isang babae. Sabi pa sa nasabing artikulo, ang mga babaeng regular ang workout ay mas mabilis ding magdalang-tao kesa sa mga walang regular na exercise.

Kung matatandaan, ikinasal sina Jessy at Luis noong Feb. 21, 2021 sa The Farm at San Benito sa Lipa City, Batangas.

Sa pagse-celebrate ng celebrity couple ng kanilang first wedding anniversary ay marami na ang nag-aabang kung kailan naman sila makakabuo ng baby. 

Mismong ang nanay na ni Luis na si Vilma Santos ang nagsabi na atat na atat na siyang masilayan ang una niyang apo sa TV host-comedian.

Jessy nakiusap sa haters: Sana ‘wag nating i-crucify ang isang tao dahil lang mali yung sinabi niya

‘Cheesy workout’ nina Matteo at Erwan pinagtsismisan; hiwalayang Max-Pancho fake news

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending