Angelica, 2 anak nagpalafang sa kapitbahay, patama kay Carlos?

Angelica Yulo, mga anak nagpalafang sa kapitbahay, patama kay Carlos?

Ervin Santiago - August 27, 2024 - 09:20 AM

Angelica Yulo, mga anak nagpalafang sa kapitbahay, patama kay Carlos?

Angelica Yulo kasama ang mga anak

FEELING ng mga supporter ng 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, may patama na naman sa kanya ang inang si Angelica Yulo.

Tahimik ang kampo ng pamilya ni Angelica nitong mga nagdaang linggo dahil wala silang ipino-post tungkol kay Carlos o sa girlfriend nitong si Chloe San Jose na siyang isa sa mga dahilan kung bakit nagkagulo ang pamilya.

Komento nga ng mga netizens, mukhang napanindigan naman ng nanay ng Pinoy champ ang pangako nitong hindi na magsasalita tungkol sa issue nila ng anak.

Baka Bet Mo: Ivana Alawi pinag-tripan ang ina, nireto sa naging kapitbahay sa Spain

Hanggang sa pagpiyestahan na naman ng mga netizen ang latest post ni Angelica sa kanyang Facebook account na pinaniniwalaang patutsada na naman niya kay Carlos na hanggang ngayon ay hindi pa rin umano nagri-reachout sa kanyang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by FIG Gymnastics (@figymnastics)


Makikita sa Facebook page ni Angelica ang isang video kung saan mapapanood ang pamimigay nila ng pagkain sa kanilang mga kapitbahay sa Maynila. Todo pasalamat siya sa mga anak na sina Iza, Eldrew at Joriel.

Narito ang pahayag ni Angelica (voiceover) sa ginawa niyang video, “Salamat po sa araw na ito, sa mga tumulong magluto at mag-asikaso ngayon, sa mga anak ko na nagbahagi ng kahit papaanong parte ng incentives nila.

“Kay Iza na binawasan ang nakuha niya sa Palarong Pambansa. Salamat din kay Eldrew at sa panganay ko na si Joriel sa ipinaabot niyang tulong para kahit papaano, makatulong tayo sa simpleng paraan.

Baka Bet Mo: Brenda Mage nakapagpatayo na ng malaking bahay, magpapagawa ng basketball at volleyball court para sa mga kapitbahay

“Lagi tayong tumulong sa kapwa kapag may sobra tayo, maliit man o malaki. Ang mahalaga ay magbigay tayo ng bukal sa puso.

“Pagpasensiyahan ninyo na sana ang nakayanan namin ng mga anak ko,” ang mensahe pa ni Angelica.

Kasunod nito, ipinost din ng nanay ni Carlos ang video kung saan mapapanood ang pagbibigay sa kanya ng parangal ng isang beauty salon sa Maynila last August 23.

Sabi ng nagbigay sa kanya ng certificate of recognition, “In line with our campaign na Ganda for All, we give this certificate of recognition to Ma’am Angelica Poquiz Yulo for her exceptional dedication and unwavering commitment to raising children that bring pride to the Philippines.


“Your effort and virtue are in line with the spirit of Cut Salon’s Ganda for All campaign, embodying the values of empowerment, individuality and positivity.”

Ayon sa mga nakakita sa magkasunod na post ni Angelica, mukhang umariba na naman daw ito sa pagpapatutsada kay Carlos dahil until now ay dedma pa rin ang binata sa kanila.

Pero in fairness, marami rin ang nagtanggol kay Angelica na nagsabing nais lamang daw ng pamilya Yulo na mag-share ng blessings sa kanilang mga kapitbahay. Narito ang ilang positibong reaksyon ng mga FB users.

“Eto naman talaga nature ng fam na ito, kapag may konting sobra sineshare  pa nila. good job mga bagets.”

“Wow bait naman ni eldrew at yza, the next olympic medalists.”

“Family is Live, Antay lang Angge. God Will Make Away. Magiging maayos din ang lahat. God Bless.”

“God bless your family po Ate Angelica Poquiz Yulo happy po talaga po ako kasi naging kaibigan ko po kayo. God bless po sa pag share po ng blessings nyo sa iba po.  Maraming Salamat po Ate Angge!!!”

“Nice job mader dear en the kid.proud of u.GBU all.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wow! Okay yan, more blessings to come para mas maraming pang maishare.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending