Gerald 5 years nang GF si Julia pero wala pa ring balak pakasal

Gerald 5 years nang dyowa si Julia pero wala pa ring balak pakasal

Ervin Santiago - September 01, 2024 - 07:40 AM

Gerald 5 years nang dyowa si Julia pero wala pa ring balak pakasal

Gerald Anderson at Julia Barretto

FEELING ng Kapamilya hunk actor na si Gerald Anderson, si Julia Barretto na talaga ang “the one” at ang babaeng itinadhana para sa kanya.

In fairness, mukhang sa kasalan na nga mauuwi ang relasyon ng celebrity couple tulad ng inaasahan ng kanilang respective families at mga kaibigan in and out of showbiz.

Sa muling pagharap ni Ge sa ilang members ng entertainment media nitong August 24, para sa announcement ng kanyang comeback series na “Nobody”, natanong nga siya kung si Julia na ba ang “the right one” for him.

Baka Bet Mo: Gerald puring-puri si Kim: ‘Paganu’n-ganu’n lang siya sa ‘Showtime’ pero grabe siya, fighter ‘yun! Palaban!’

“Of course, five years na kami, di ba? Yung personality niya, yung pagiging fighter niya, yung pagiging malambing niya.

“Kapag tiningnan mo siya, parang mukha siyang bata, mukha siyang pretty face lang. Pero, hindi. Malalim siyang tao. She’s very beautiful inside and out,” ang sey ng super proud boyfriend ni Julia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pero bago pa maitanong ng press kay Ge kung may plano na ba silang magpakasal ni Julia, inunahan na niya ito ng super safe na sagot.

“She’s very special to me. Alam naman yun lahat yan. Hindi naman magbabago yan. But, itong moment na to, yung moment na ngayon, let her enjoy. Huwag natin madaliin,” pahayag pa ng binata.

Nagbigay din siya ng reaksyon sa tagumpay ng balik-tambalan ng mag-ex na sina Julia at Joshua Garcia sa pelikulang “Un/Happy For You” na kumita na ng P320 million sa takilya.

“Well, ang gandang ibig sabihin para sa industriya, right? Kasi for a time, parang hindi mo alam, babalik ba mga tao sa sinehan?

“It’s a challenge for everyone kasi we have to keep producing good projects, quality projects. At pinapakita natin na pag gawang Pinoy, panonoorin pa rin yan, e, di ba?

“Hindi naman kailangan laging Hollywood. Lagi ko sinasabi ito, I think we have the best actors in the world.

“Kasi nga, with the given situation, siyempre hindi naman kasing laki ng budget natin sa ibang bansa. But we always produce. So, yun. Galing, no?” ang sabi pa ni Gerald.

Baka Bet Mo: Julia Barretto, Gerald Anderson magpapakasal na nga ba?

Samantala, nagbabalik-teleserye nga ang Kapamilya actor pagkatapos ng dalawang taon bilang lead star ng tiyak na aabangang pasabog na action-drama series ng ABS-CBN na “Nobody.”

Iikot ang nakakaintrigang serye sa katapatan, integridad, at moralidad ng isang tao ayon sa teaser nito na ipinakita ang adbokasiya ni Gerald sa pagtulong sa mga tao sa tunay na buhay ngunit iniwan ang katagang “this is not a story about a hero… Gerald Anderson is a nobody.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“It’s the perfect comeback show kasi it’s very challenging. This is a journey ng isang tao na hindi mo alam kung ano ba talaga siya. Is he a hero? vigilante ba siya? does he have integrity?” saad niya sa naganap na project announcement nitong Miyerkules.

Haharap sa matinding physical training si Gerald para sa kanyang karakter bilang law enforcement officer.

Aniya, “May martial arts at firing training dahil law enforcement ako rito so may mga special training. May konting knowledge ako from the coastguard and I’ll try to share it with the cast members.”

Pangungunahan ng JRB Creative Production ang produksyon ng “Nobody” kasama si Benedict Mique bilang director, Dindo Perez bilang creative manager at Cenon Palomares  bilang head writer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan si Gerald sa bagong ABS-CBN series na “Nobody.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending