Gerald puring-puri si Kim: 'Paganu'n-ganu'n lang siya sa 'Showtime' pero grabe siya, fighter 'yun! Palaban!' | Bandera

Gerald puring-puri si Kim: ‘Paganu’n-ganu’n lang siya sa ‘Showtime’ pero grabe siya, fighter ‘yun! Palaban!’

Ervin Santiago |November 19,2023
facebook
share this

Gerald puring-puri si Kim: ‘Paganu’n-ganu’n lang siya sa ‘Showtime’ pero grabe siya, fighter ‘yun! Palaban!’

Ervin Santiago - November 19, 2023 - 03:00 AM

Gerald puring-puri si Kim: 'Paganu'n-ganu'n lang siya sa 'Showtime' pero grabe siya, fighter 'yun! Palaban!'

Gerald Anderson at Kim Chiu

WALA pang masagot ang Kapamilya hunk actor na si Gerald Anderson kung kailan sila uli mapapanood ni Kim Chiu na magkasama sa isang proyekto.

Ayon kay Gerald, it’s a management decision daw. Kung ano ang magiging plano ng ABS-CBN siyempre, pag-uusapan nila ito at pag-aaralan kung pwede nilang gawin ni Kim.

“’Di ko masasagot ‘yun. ‘Di ko alam. Kailangan natin sila (mga bossing ng ABS-CBN at Kim) makausap,” sagot ni Gerald nang tanungin namin kung may aabangan ba ang Kimerald fans sa kanila ni Kim next year.

Nakachikahan namin ang binata kasama ang ilang piling members ng entertainment press matapos ang contract signing niya sa ABS-CBN kamakailan kung saan muli nga siyang pumirma ng exclusive contract.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pero in fairness, ibinandera naman ng Kapamilya actor ang paghanga niya kay Kim dahil sa tagumpay ng kanyang digital drama series na “Linlang” kasama sina JM de Guzman, Paulo Avelino, Kaila Estrada at Maricel Soriano.

Sey ng boyfriend ni Julia Barretto, “Nakakatuwa kasi ang naririnig ko ibang Kim ‘yung nakita nila, ibang JM. I’m happy for her because talagang ‘yun ‘yung perfect word for her, hard worker talaga ‘yan. Sobrang nakaka-inspire ‘yan.”

Baka Bet Mo: Gerald sigurado nang si Julia ang pakakasalan, pero dinenay ang tsismis na marriage proposal

“Paganu’n-ganu’n lang siya sa ‘Showtime’ but grabe ‘yun, fighter ‘yun, palaban ‘yun. She works really hard. ‘Yung success na meron siya ngayon with this show, she deserves it,” papuri pa niya sa kanyang ex-girlfriend.

Samantala, todo ang pasasalamat ni Gerald sa ABS-CBN dahil patuloy pa rin siyang pinagkakatiwalaan ng network until now.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr)


Muling pinatunayan ng aktor na solid pa rin ang loyalty niya bilang Kapamilya matapos muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN. Nasa contract signing niya ang Kapamilya executives na sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, CEO and president Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory Vidanes, at Star Magic head Lauren Dyogi.

Baka Bet Mo: Gerald magpapayaman muna nang bonggang-bongga bago pakasalan si Julia: ‘Sigurista ako, e…praktikal lang’

“Nagtatrabaho na ako ng 17 years sa ABS-CBN. Marami na rin tayong pinagdaanan. It just feels more special kasi sa lahat ng pinagdaanan natin bilang isang kompanya. Nakita mo ‘yung mga bosses natin kung gaano kasipag sila,” aniya.

“Ako naman masuklian ko ‘yung support nila in my projects in a way. Basta magbigay ng 100% sa bawat proyekto na binigay sa ‘kin. Du’n ko nilalabas ‘yung support ko. And ‘yung utang na loob sa lahat ng opportunities na binibigay nila sa akin,” sabi pa ni Gerald.

At sa mga next pasabog niyang projects, “Meron akong gagawin, digital naman siya. Very exciting. Nagte-training na kami. May isa pang movie na gagawin na makakasama ko si Sam (Milby) ulit.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Unang nagkasama sina Gerald at Sam sa ABS-CBN series na “A Family Affair” kung saan bumida rin sina Ivana Alawi, Jake Ejercito at Jameson Blake.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending