Gerald sigurado nang si Julia ang pakakasalan, pero dinenay ang tsismis na marriage proposal | Bandera

Gerald sigurado nang si Julia ang pakakasalan, pero dinenay ang tsismis na marriage proposal

Ervin Santiago |March 21,2023
facebook
share this

Gerald sigurado nang si Julia ang pakakasalan, pero dinenay ang tsismis na marriage proposal

Ervin Santiago - March 21, 2023 - 06:47 AM

Gerald sigurado nang si Julia ang pakakasalan, pero dinenay ang tsismis na marriage proposal

Gerald Anderson at Julia Barretto

SURE na sure na si Gerald Anderson na ang babaeng gusto na niyang pakasalan in the near future ay ang kanyang girlfriend na si Julia Barretto.

Mismong ang 34-year-old Kapamilya hunk actor na ang nagsabi na malapit-lapit na rin siyang lumagay sa tahimik dahil hindi na rin daw siya bumabata.

Yan ang inamin ni Gerald sa panayam ng programang “Korina Interviews” na ipinalabas sa Net25 last Sunday, March 19.

Talagang niratrat agad ni Korina Sanchez ng mga maiintriga at personal na tanong si Gerald kabilang na nga ang tungkol sa relasyon nila ngayon ni Julia.

“Kailan ka ikakasal? Ikakasal ka na ba? Ninerbiyos ka? Nanlalamig ka yata?” ang sunud-sunod na tanong na ibinato ni Korina sa binatang aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto)


Sagot naman ni Ge, “Di naman, di naman po. You know, everything na ginagawa ko ngayon is because alam ko naman na malapit na yun, e.

“Hindi naman ako, kumbaga, yung 25-year-old na, ‘Di trabaho muna ako, career muna ako.’

“You know, honestly, generally, lahat ng ginagawa ko sa career ko, sa show business, sa pagiging businessman, is leading up to that point,” ang tugon ng aktor.

Sunod na question ng veteran broadcast journalist at dating news anchor, “So, it’s gonna be Julia you think? Di mo masabi?” Na sinagot agad ni Gerald ng, “No, siya talaga.”

Baka Bet Mo: Gerald, Julia sweet na sweet sa Boracay; may bonggang dinner by the beach

Sa tanong kung bakit nag-work ang relasyon nila ni Julia at mukhang solid na solid pa rin ang kanilang pagsasama, sey ni Gerald, “Alam mo, you just know, alam mo na, e. You feel na may nagbabago sa yo.

“You feel na nag-iiba or mas nag-iiba yung priorities mo or mas naging malinaw sa yo yung priorities mo.

“Alam mo yung kasabihan na ‘you just know.’ Ang hirap mag-explain, e, iba yung feel. Iba yung feel,” paliwanag ni Ge.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr)


Hirit uli ni Korina, “That sounded like a proposal to me. Are you engaged?”

“Ah, hindi po,” ang mabilis na paglilinaw ni Gerald.

Samantala, sinagot din ni Gerald ang tanong kung naaapektuhan pa rin ba siya ng mga pangnenega at pang-aasar ng mga bashers.

“Honestly po, alam ko na medyo cliché siya pakinggan, but that negative energy, I use it and I turn it into positive energy na it takes me so far.

“Ewan ko kung may sense yun, but I’ve lasted this long also dito sa industriya natin because of, siyempre yung supporters, but because of people saying, ‘I can’t do something,’ or ‘Hindi ko kaya to,’ or ‘Hindi ako magaling diyan,’ o ‘Hindi ito para sa kanya.’ Ewan ko, medyo weird ako but that energy na yan.

“And advice ko rin sa up-and-coming artists, huwag kayo matakot, or huwag bumaba yung pagkatao niyo because yun talaga ang uso ngayon, people will bash you talaga no matter kung anong ginagawa mo,” sabi pa niya.

Julia may ibinuking tungkol sa tunay na ‘pagkatao’ ni Gerald

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dennis kay Gerald: Mas maipakikita mong mahal mo si Julia kung irerespeto mo ‘yung tatay niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending