Gerald, Julia sweet na sweet sa Boracay; may bonggang dinner by the beach | Bandera

Gerald, Julia sweet na sweet sa Boracay; may bonggang dinner by the beach

Therese Arceo |October 22,2021
facebook
share this

Gerald, Julia sweet na sweet sa Boracay; may bonggang dinner by the beach

Therese Arceo - October 22, 2021 - 01:25 PM

Gerald, Julia sweet na sweet sa Boracay; may bonggang dinner by the beach

MATAPOS ang pananatili ng aktor na si Gerald Anderson sa ibang bansa para makasama ang ama at para na rin makapagbakasyon, paniguradong sobra ang pagka-miss sa kanya ng dyowang si Julia Barretto. Kaya naman sa pagbabalik bansa ng aktor ay agad na nagkaroon ng couple trip ang dalawa patungong Boracay.

Sa kanilang photos na uploaded sa Instagram ay makikitang sweet na sweet ang dalawa at todo flex sa isa’t isa.

May picture pa nga ang magdyowa na nagki-kiss habang palubog ang araw.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia (@juliabarretto)

Kaya naman hindi rin mapigil ng mga fans at supporters ng JuRald ang kanilang kilig dahil bukod sa Boracay getaway ay may bonggang pa-dinner by the beach na inihanda si Gerald para kay Julia.

Ayon sa isang fan page account ng mag-dyowa, mismong ang aktor ang nag-set up ng kanilang dinner para sorpresahin ang aktres.

Bukod sa bonggang set-up na may mga litrato nilang magkasama at pang-malakasang mga ilaw ay may pa-bouquet of flowers rin si Gerald.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JURALDS FAN PAGE ACCOUNT 💍🤍 (@baby_love.fanpage)

“Toast to the unbothered lovebirds,” comment ng isang netizen.

“Yay! Oo nga. Sobrang happy ng mga puso natin. Sana walang katapusan to. We love you both,” dagdag pa ng isang netizen.

May ilan pang nag-iisip na tila nag-propose na si Gerald kay Julia lalo na’t siya mismo ang nag-set up ng surprise dinner.

“Baka may singsing na iaabot ah,” sey ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naku magpropose na yata in public si Gerald. Gusto ko to,” hirit pa ng isa.

Paniguradong sinulit nina Gerald at Julia ang kanilang naging bakasyon sa Boracay lalo na’t magiging busy muli ang aktor sa kanyang bagong proyekto kung saan makakatambal niya sa teleserye ang singer na si Gigi De Lana na pinamagatang “Hello Heart” produced by ABS-CBN at ng global streaming app na iQiyi.

Ang teleserye ay iikot sa kwento ni Heart (Gigi) na magpapanggap bilang asawa ni Sael (Gerald) alang-ala sa lola nito na may dementia.

Related chika:
Pambabasag ni Bea laban kay Gerald babala nga ba kay Julia?
Ilang netizens kumampi kay Gerald, Bea sinabihan ng, ‘Shut up na lang!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending