Pambabasag ni Bea laban kay Gerald babala nga ba kay Julia? | Bandera

Pambabasag ni Bea laban kay Gerald babala nga ba kay Julia?

Reggee Bonoan |April 11,2021
facebook
share this

Pambabasag ni Bea laban kay Gerald babala nga ba kay Julia?

Reggee Bonoan - April 11, 2021 - 05:33 PM

“SIGURO naibubuhos na lahat ni Bea Alonzo ngayon (ang nararamdaman niya) kasi balewala na lahat sa kanya.” Yan ang pakiwari ng talent manager na si Ogie Diaz.

Ang mga pahayag ni Bea tungkol sa ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson sa panayam ni G3 San Diego ang hinimay-himay ni Ogie kasama ang partner niyang si Mama Loi sa kanyang YouTube channel nitong Sabado ng gabi.

“Dahil ba hindi pa siya nakaka-move on at marami pa siyang kinikimkim o malaya na niyang sinasabi ito dahil balewala na sa kanya?” tanong ni Mama Loi kay Ogie.

“Siguro naibubuhos na lahat ni Bea kasi balewala na lahat sa kanya,” ang sagot nga ng talent manager cum vlogger.

Dagdag pa, “Parang ganito na, ‘o gusto ko lang ipakilala sa inyo kung sino itong nakarelasyon ko ah, para pag-ingatin na kayo.’ Pero siyempre hindi naman natin alam kay Bea kung iyon nga ‘yung feelings niya sa kanyang pagsasalita.”

Napag-usapan din ang post ni Gerald na tinawag niyang “my queen” si Julia Barretto na karelasyon niya ngayon.

“Sabi naman ng ibang netizens, parang nanadya ‘yung post ni Gerald kay Julia na my queen kasabay ng paglabas ng interview ni G3 kay Bea parang counter attack ganu’n,” say ni Mama Loi.

Hirit naman ni Ogie, “Tapos ‘yung my queen yata sinabi na rin kay Maja Salvador, kay Kim Chiu. So, parang normal na lang kay Gerald na kung sino ang karelasyon niya ngayon, ‘yun ang kanyang queen.”

Sabi ni Mama Loi, “Dapat nilagyan niya ng ‘new, my new queen’. Ha-hahahaha!”

“So anyway, habang si Gerald ay masaya at si Julia ay masaya kay Gerald si Bea naman ay ito ‘yung kanyang inilahad at ipinakita lang dito ni Bea na hindi siya bitter. Ako feeling ko hindi siya bitter, gusto lang niyang ilabas lahat para masabi lang niya ‘yung gusto niya.

“At para maipakilala niya kung ano ‘yung naging pakikitungo ng lalaki sa kanya hindi para siraan. Siguro ‘yun ‘yung personal account ni Bea kay Gerald,” paliwanag ni Ogie.

Susog ni Mama Loi, “Saka masaya naman na siya ngayon, di ba? Ang tagal ng espekulasyon kung sila (Dominic Roque) ba o hindi, so finally inamin niya na dating stage sila at hindi pa sila.”

Samantala, ginawan din ng isyu na sabay-sabay naglabas ng kanilang mga bagong vlog ang dalawang exes ni Gerald — si Bea ay ang tungkol sa kitchen at pantry tour sa bahay niya, si Maja naman kasama ang boyfriend na si Rambo Nunez na ‘sagot or lagot’ episode at ang -‘different ways to style your favorite denim jeans’ naman ni Julia nitong Sabado ng 7 p.m..

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At ang pinakaraming views ay si Bea na may 687k, si Maja ay 96k at si Julia na may 63k na puwedeng ilusot ng huli na kaya konti palang ang views ay dahil wala pang 1 million ang subscribers niya kumpara sa dalawang ex-girlfriends ng aktor na mahigit sa isang milyon na ang followers.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending