Julia Barretto super 'secured' kay Gerald, magpapakasal na nga ba? | Bandera

Julia Barretto super ‘secured’ kay Gerald, magpapakasal na nga ba?

Therese Arceo |September 21,2022
facebook
share this

Julia Barretto super ‘secured’ kay Gerald, magpapakasal na nga ba?

Therese Arceo - September 21, 2022 - 08:12 PM

 Julia Barretto super 'secured' kay Gerald, magpapakasal na nga ba?
MAINIT ang pangalan ngayon ng aktres na si Julia Barretto sa social media matapos ang kanyang panayam sa broadcaster na si Karen Davila.

Marami kasi sa kanyang mga kinakaharap na isyu ang binigyan niya ng kasagutan gaya ng mga chika sa pagitan nila ng amang si Dennis Padilla at diumano’y hiwalayan nila ng aktor na si Gerald Anderson.

Ngunit taliwas sa mga lumalabas na chika ay talaga namang nanatiling magkarelasyon ang dalawa.

“Sa news, every month, that’s the situation. But no, we haven’t broken up. I think that’s a sign na, you know, we are really able to protect our relationship and keep it private,” pagbabahagi ni Julia.

Sa kabila nga ng mga usap-usapan sa social media ay tila wala namang pake ang aktres dahil kabaligtaran ng mga chika na hindi magtatagal ang kanilang relasyon ay damang-dama ng aktres na mas nagiging seryoso ang estado ng kanilang relasyon.

Kitang-kita rin na labis labis ang ibinibigay na tiwala ng dalaga sa kanyang kasintahan. At nararamdaman niyang hindi siya sasaktan ni Gerald dahil hindi naman daw siya papasok sa isang relasyon kung hindi niya ito pinagkakatiwalaan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia (@juliabarretto)

“I don’t think I’ll get into a relationship with somebody na I don’t trust. So, I do trust him and he shows me that every single day, there’s just no reason for me to doubt,” chika pa ni Julia.

“Dagdag pa niya,”Serious. I would say, I do feel safe in this relationship.

Nang usisain naman si Julia kung nalalapit na nga ba ang paglagay nito sa tahimik at pag-aasawa, sinabi niyang hindi daw dapat siya ang sumagot sa ganitong klaseng katanungan.

Pero sa kabila ng indirect response ng aktres ay inamin nito na “very secured” siya sa relasyon nila ng Kapamilya actor na si Gerald at naniniwala siyang mangyayari ito sa tamang panahon.

“I don’t think that’s up to me. But I think it will come at the right time. But I do feel very secured in the relationship we have and we are really happy. I don’t have anything to worry about,” lahad ni Julia.

Aminado rin ang dalaga na kakaiba ang kanyang kasalukuyang relasyon kay Gerald sa mga nagdaan niyang mga ex-boyfriends dahil mas iba ang level ng security na kanyang nararamdaman.

Sey ni Julia, “The sense of security that I have, the sense of calm that I have, his kindness has really grounded me and has really motivated me to become a better person. He’s created such a safe and healthy environment in my life. So, I feel good.”

 

Related Chika:
Julia may ibinuking tungkol sa tunay na ‘pagkatao’ ni Gerald

Julia Barretto hindi pa rin nakakausap si Dennis Padilla: There’s just so much fear inside me

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gerald, Julia sweet na sweet sa Boracay; may bonggang dinner by the beach

Pambabasag ni Bea laban kay Gerald babala nga ba kay Julia?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending